Chapter 2: Wedding
"KAMUSTA ang pagiging piloto mo, Syrn?" tanong ni Dad sa anak ng kaibigan niya.
Nahihiya pa akong tumingin sa kanya kasi baka mahahalata niya na malakas ang dating niya sa akin. Magsalubong lang ang mga mata namin ay parang mangingisay na ako sa kilig. Hindi na rin ako magtataka pa na pati ang pisngi ko ay mamumula na rin.
Sino nga ba ang hindi ma-attract sa lalaking ito? Eh, halos nasa kanya na ang lahat. Guwapo.
Suwerte nga talaga ang babaeng mapapangasawa niya--wait, bakit hindi ko yata nagustuhan ang sinabi ko?
Parang ayokong magkaroon siya ng asawa kung hindi lang naman ako-- what the, Heaven Angel?!
Burahin mo na nga ang iniisip mo! Kung ano-ano na lang ang dumadapo sa marumi mong utak!
Parang baliw na ako dahil nakikipag-usap ako sa sarili ko.
Pero ayoko talagang makita siya na ikinakasal sa iba. Iiyak ako kung nagkataon.
"Ayos naman po, Uncle Hervin. It's very tiring, but it's my passion kaya ayos lang din. Nag-e-enjoy rin naman po ako," magalang na sagot niya kay Daddy. Mas lalo lang akong humanga sa kanya.
Sana talaga ay siya na... Siya na ang future husband ko.
Siguro kung siya na nga ang mapapangasawa ko ay baka magtatalon pa ako sa labis-labis na kasiyahan dito. Siyempre hindi ko ipapakita sa kanila.
"It's good to hear that, hijo," ani Dad at sinabayan pa nang pagtango tapos tumingin naman siya sa best friend niya, kay Uncle Antoner.
Tapos parang nag-uusap lang sila gamit lang ang mga mata nila kasi nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Uncle Antoner, si Dad naman ay tumango-tango pa. Na para bang nagkakaintindihan nga sila sa gesture nilang iyon.
Tiningnan ko naman sina Mommy at Aunt Serine. Nakatingin din sila sa mga asawa nila. Huli kong tiningnan si Syrn Antonio at medyo nagulat pa ako nang sa akin na pala nakatutok ang mga mata niya. Ngunit hindi ko pinahalata sa kanya na nagulat ako.
Sa halip ay matamis na ngumiti ako sa kanya. Nakita ko pa ang saglit na pagkatulala niya dahil umawang pa ang mga labi niya pero kalaunan ay ngumiti rin siya sa akin pabalik. Makalaglag panty nga naman ang ganyang ngiti na 'yan. Parang bumabalik nga ako sa pagiging teenager ko.
Ang tanda-tanda ko na ay nakakaramdam pa rin ako ng kilig. Siguro nga ay normal na itong mararamdaman ng karamihan at isa ako roon.
Hindi na matanggal-tanggal ang eye contact naming dalawa dahil parang napapako ng kung ano. Kung hindi lang talaga tumikhim si Dad or ang Daddy niya? Hindi ako sigurado. Pero baka pareho sila?
Kapwa kaming nag-iwas nang tingin at ako naman ay yumuko saka nagkunwari akong kumakain na lamang. Parang labag pa sa kalooban ko na hindi ko siya matitigan ulit.
Beef tapa, pinakbet, shrimp at tuna ang in-order nilang foods for us. May pineapple juice din, water, at kina Dad and Uncle ay may wine silang dalawa. May dessert din kami mamaya. After the dinner ay isi-serve na sa amin.
"Are you busy these past few days, Syrn hijo?" my mom asked him.
Hindi ko sila tiningnan at kumain lang ako nang kumain.
"Yes po, Aunt Angelina. Last location po namin ay ang Switzerland. Next week ay mas magiging busy po ako," sagot niya na kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakangiti siya.
"Happiness talaga ng anak ko sa tuwing may flight siya," proud na sabi ng mommy niya.
"Ah, yeah... May I ask kung ano ba ang tipo mo sa mga babae?" tanong pa ng nanay ko sa kanya. Humingi pa siya ng permission to ask pero halatang hindi naman nag-aalangan si Mom na itanong niya iyon kay Syrn Antonio. Hala, si Mommy hindi man lang nahiya.
"Yeah, it's okay, Aunt." Gusto ko po sa mga babaeng marunong magluto," sagot niya at siya namang pagbilis nang t***k ng puso ko.
Gusto kong sumigaw ng 'yes' kasi isa iyon sa tipo niya na pasok na pasok ako sa standard niya! One point, Heaven Angel!
Narinig ko ang pagpalakpak nina Mommy at saka si Aunt Serine. Na tila alam na nila o kilala na nila ang babaeng pasok sa standard ni Syrn Antonio.
"A chef, gusto mong mapangasawa ang isang chef, son?" Narinig kong tanong ni Uncle Antoner.
"Even if not, anymore, Dad. As long as she knows how to cook. I'm fine with that," sabi pa nito. Oh, geesh. Ayaw niya sa chef pero gusto pa rin niya ang babaeng marunong magluto. Okay na sa kanya!
Kung ako ang wife ko ay hindi mo mararanasan ang magutom, never!
"And she has a long patience and she is not very demanding. That she won't ask me for time if she knows that my flight schedule is too hectic. I hate demanding, nakakasakal po ang ganoong pag-uugali ng isang tao," mahabang pahayag niya.
Mahaba rin ang pasensiya ko at hindi ako demanding! Pasok na pasok na nga ako! Oh, my G! Hindi kita masasakal, Syrn Antonio! Akin na lang!
Parang desperate na ang tunog na iyon, ano?
"Bibigyan ko naman po siya ng oras. Hindi puwedeng hindi ko po siya paglalaanan ng oras gayong asawa ko po siya." Napaayos ako nang upo dahil sa dinugtong niya. Ack! Ang sweet naman niya! Sana ako na talaga iyon!
Okay, masyado akong nagiging easy to get. Kailangan kong kumalma kasi baka wala na talaga. Mahahalata na niyang naaapektuhan ako sa mga sinasabi niyang type niyang mga babae. Na interesado rin akong malaman. Baka kasi ako ang type niya. Biro lang.
"Ang sweet naman," komento ng dalawang ginang. Ako naman ay nanatiling tahimik lang.
"Maybe your future wife will understand you, son. Because it is also for your future, your wife and for your children, too," ani ng Daddy niya.
Inabot ko ang drinks ko at sumimsim.
"Gusto ko rin po iyong tahimik siya. Pero hindi naman boring kausap." Hindi na ako iyon! Maingay ako at hindi ako tahimik! Boring? Inaamin kong hindi naman ako boring kasi happy-go-lucky ako! Pero sa tahimik? Malaking X ako riyan. Bawas points ko. Aigoo...
Sila lang nag-uusap at alam kong alam din nila na nakikinig ako pero bahala na rin sa iisipin nila. Nag-e-enjoy akong kumain. Bahala sila riyan. Ang sarap ng mga ulam at mapaparami pa yata ang kain ko ngayon. Wala rin naman akong ikinababahala na baka lumaki ang tiyan ko at manaba.
Kaya sumandok ako ng extra rice na nasa gitna lang ng table.
"At gusto ko rin po 'yong magana siyang kumain. Na hindi na problema ang tataba siya at hindi alam ang salitang 'diet'." Sa sinabi niya ay natigilan ako at wala sa sariling napatingin kay Syrn Antonio pero oh, my Glory talaga!
Bakit nakatingin siya sa akin?! Habang sinasabi niya kasi ang mga katagang iyon ay nakatitig pala siya sa akin! Nang hindi ko namamalayan. Sa mga ulam lang ako nakatutok pero nakikinig naman ako.
"Na kung sa ganoon po ay hindi na ako mababahala na magugutom siya kapag nasa ibang bansa po ako. Dahil alam kong mahilig siyang kumain at kaya niyang ipagluto ang sarili niya," nakangiting sabi niya at nag-aalangan pa akong kumuha ulit ng kanin.
"Mahirap po kasing magtrabaho sa malayo kung may sarili ka ng pamilya na alalahanin mo," he added.
Hindi naman ako matakaw, ha! Pero bakit...
"Ha?" gulat na sambit ko nang siya na ang kumuha ng plato ng rice saka niya ako pinagsandok. Naparami pa.
Dahil sa ginawa niya ay narinig ko ang sunud-sunod na pagtikhim ng mga kasama namin at ang mahihinang impit ng mga ito.
Mabilis na nag-init ang magkabila pisngi ko at para akong maiiyak sa sobrang kahihiyan... Kahihiyan nga ba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito o kilig pa?
"Do you still want beef tapa?" Napatingin ako sa plato ko na halos simutin ko ang beef tapa ko. Mas dumoble lang ang bilis nang t***k ng puso ko.
Nakakahiya na talaga...
Bago pa man ako makapagsalita ay ibinigay na niya sa akin ng buo ang beef tapa niya at inilipat iyon sa plato ko. Hiniwa pa niya para sa akin kaya mas lalong uminit ang pisngi ko!
"T-Thanks," nahihiyang sabi ko at tumango siya tapos ang lapad-lapad ng ngiti niya.
"Enjoy your meal," sabi pa niya at ako naman ang napatango.
Urgh! Hindi na ako makakatulog nito mamaya sa bahay namin! Hinding-hindi ko na rin ito makakalimutan!
Ang kahihiyan na naramdaman ko sa mga oras na ito!
Ngunit alam ko naman na hindi nakakahiya kung matakaw ka. Kasi mas gusto mong kumain ng marami kasi alam mo rin na mabubusog ka. Pero nahihiya talaga akong ipakita sa kanya ang pagkain ko nang marami. Kahit hindi naman ako matakaw.
Tiyak na hindi ako makakatakas kay Mommy.
"What about the looks, son?" his mom asked him.
What about the looks? Hindi naman sa nag-aano lang ako, ha. I mean, nagmamayabang pero maganda naman ako. Chos. Maganda naman talaga ako. May ibubuga naman na ang aking hitsura, hindi ba?
Kasi madalas din akong purihin ng ibang tao na maganda ako. Lalo na ang mga bagong intern sa restaurant ko.
"Mom, except for you and Aunt Angelina. Do we have any other girl tonight, who is prettier than you? More beautiful?" mapaglarong tanong pa niya na tila may kahulugan.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko kahit naiilang na ako sa pinag-uusapan nila. Kahit na labas naman na ako roon. Ang tipong babae lang ni Syrn Antonio ang pinag-uusapan nila pero apektado talaga ako.
"Kung mayroon man po..." Sinadya pa niyang ibitin ang sasabihin niya. I don't know why.
Nananahimik din ang sina Dad at hinihintay ang idudugtong n Syrn Antonio.
"Baka nasa tapat ko lang po nakaupo. The most beautiful woman I ever met in my life."
"Ha?" gulat na sambit ko ulit dahil lahat sila ay nakatingin na sa akin pero mas natutok ang atensiyon ko sa kanya.
Parang aliw na aliw siyang pagmasdan ako. Mas maiilang lang ako nito, eh!
Nahihiyang ngumiti na lang ako dahil ang creepy na ng mga kasama ko. May ngiti sa mga labi nila at mukhang tuwang-tuwa pa silang lahat. What's the reason behind of that smile?
Nabitawan ko na ang spoon ko at kumuha ng isang pirasong table napkin. Marahan na pinunasan ko ang labi ko. Nabusog naman ako dahil naubos ko na ang foods ko.
"What's wrong?" tila inosenteng tanong ko pa sa kanilang lahat.
"You're beautiful," sa halip ay iyon ang isinagot niya sa akin. Kaya nagulat na naman ako.
"Thank you," kaswal na pagpapasalamat ko lang sa kanya. Na akala mo naman ay hindi ako naapektuhan.
"What about you, Heaven Angel? What's your type ba? Mga tipong lalaki?" interesadong tanong ni Aunt Serine sa akin. I smiled at her.
"I'm okay with a good heart, Aunt Serine," simpleng sagot ko at umawang pa ang mga labi niya.
"With a good heart. Do you think, makakahanap ka pa ng ganoong tipong lalaki, anak?" tanong ni Daddy at mabilis na tumango ako.
"Yes, dad. Why not..." Ako naman ngayon ang sumadyang ibitin ang sasabihin ko at pinasadahan ko pa nang tingin ang mga customer sa loob na abala rin sa dinner time nila.
"Baka nandito lang po siya ngayon? Baka may makilala ako na isang lalaki with a good heart?" nakangiting sabi ko. Humalakhak lang si Uncle Antoner.
"Then, look straight in front of you and you will know him."
"Ha?" sambit ko kasi biglang sumabat din sa usapan namin si Syrn Antonio kaya lumipat ang tingin ko sa kanya.
"You have already met him. Congratulations," aniya na may ngiti sa labi.
"Ha?" muling sambit ko kasi hindi ko na-gets. May na-miss na ba akong pinag-uusapan nila?
Gayong buong kuwentuhan nila ay nakikinig lang ako?
"May idea ka ba, Syrn, na kung bakit may family dinner tayo kasama ang pamilya ng Uncle Hervin mo?" I glanced at Uncle Antoner.
Ang alam ko lang din ay ipakikilala kami ni Dad sa kanila. Sa tagal na nilang magkaibigan ay ngayon lang namin makikilala ang isa't isa.
Iyon lang din ang alam ko. Bakit? May iba pa bang dahilan? Maliban sa maruming pag-iisip ng utak ko? At sa mga salitang ibinibigay ni Mommy na may mga kahulugan?
"I don't have any idea about that, Dad," umiiling na sabi niya at ako naman ang tiningnan ng daddy niya.
"What about you, hija? Any idea?"
Tumikhim muna ako bago ako sumagot, "To finally meet my daddy's best friend and his family too, Uncle?" Oy, patanong pa iyon. I'm not sure naman kasi sa totoong dahilan nila. Malay ko ba na mayroon palang totoong dahilan.
"Yeah, we're best friends," nakangiwing sambit ni Dad na ikinatawa na naman nina Mom and Aunt Serine.
"Yeah, right," pairap na sabi pa ni Uncle. Tama nga si Mommy. Parang nandidiri pa sila sa tawagin ang isa't isa na mag-best friends.
"Gusto niyong malaman ang dahilan?" tanong niya ulit sa amin.
"Yes po," sabay na sagot namin ni Syrn Antonio na medyo nagulat pa kaming dalawa. Pero nagngitian na lang din kami sa huli.
"It's your future wedding day..."