Pagkatapos nilang magdinner ni AJ, ay inihatid na siya nito at ang tita Maria naman niya ang nagbukas ng pintuan. "Hoy babaeng haba ng hair, kanina pa yung Jake na yun tawag ng tawag ah, saan ba kasi ang cellphone mo? Aba Buday, nadidistorbo ako sa pinapanood kong korean." "Inoff ko po tita, kanina pa kasi tawag ng tawag eh kumakain kami ni AJ." sabi niya habang nag iinat at tinanggal ang heels na suot. "Aba nag LQ ba kayo? Kung makatawag eh halos minuto minuto. Ano bang pinakain mo dun? Pempem mo?" "Eh tita naman eh. Ano ka ba." "Anong ano ka ba dyan. Buksan mo na yang phone naiinis na ko sa kuwagong yun ha ang pinapanood kung coffee prince hindi matapos tapos. Alam mo ang gwapo talaga nitong si Gong Yoo no? Payatot nga lang pero ang lakas ng appeal." "Ay oo nga tita. Napanuod ko na

