1.

859 Words
Ako'y naninirahan dito sa loob ng gubat, Walang mapangahas na nilalang ang pumunta rito sa gubat sa pagka't hindi lamang ako ang naninirahan dito sa loob ng gubat dahil may isang Dambuhalang Ahas ang naninirahan rin rito at siya ay taga protekta ng gubat na ito. Hindi maliit ang tinitirahan ko sa pagka't mansyon ito at may protekta rin itong barrier isang makapangyarihan ng spell na kahit sino hindi mawawasak ang spell ng aking nilagay at dahil may protekta ito walang nakakita nitong bahay kahit sinong nilalang maliban na lang kung ika'y aking kilala o binigyan kita ng pahintulo't na makita ang aking mansyon. Isa lamang nilalang ang nakakita o pumapasok sa aking mansyon, Walang iba kung hindi ang Dambuhalang Ahas.  Plano ko sana lumabas dito sa aking silid dahil naiinip na ako dito kung kaya't pinihit ko ang pinto pero bago iyon may narinig akong parang may kumakain at hindi naman ako nagkakamali dahil pagkabukas ko ng pinto isang tao ang kumakain ngayon sa karneng binili ko sa Terrensia City.  Sinara ko muna ang pinto bago ko pa batuhin ng mahikang apoy ang nilalang kumakain ngayon sa hapagkainan. Tsk  Inayos ko muna ang aking sarili bago ako lumabas sa aking silid at t'saka ko nilakad ang hagdanan pababa. Mukhang nararamdaman niyang pupunta ako sa kanya kung kaya't tinigil niya ang kanyang sarili na wag muna kumain at t'saka siya niya ako inirapan. Tsk nakuha pang umirap "Ikaw! Alam ko kulang ka sa kinain mo kagabi pero sana nag paalam ka sana sa akin bago mo nilantakan ang karneng kinain mo!" Bungad ng sigaw ko sa kanya pagkarating ko sa kanyang harapan. "Malay ko bang kailangan pa mag paalam bago ako kumain at t'saka tulog ka sa silid mo kaya hinahayaan kitang matulog." Bored na sabi niya sa akin. "Tsk." Sabi ko na lang sa kanya at t'saka ko siya inirapan. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang refrigerator tapos kumuha ako ng sandwich then kumuha pa ako ng juice para naman mahismasan ako sa pag uugali ng bisita ko. Alam ko magana siyang kumakain sa hapagkainan kapag siya'y tahimik at nakiramdam sa paligid dahil ano mang oras ay nag-aabang siyang may sasabihin ako. "Anong ginagawa mo sa pamamahay ko kin?" Tanong ko sa kanya at nilakad ko papuntang hapagkainan para kakain na ako dahil kanina pa ako nagugutom. "Andito ako dahil may sasabihin ako kung ayos lang ba saiyo?" Tanong niya sa akin pagkaupo ko sa silya ng hapagkainan. "Ano iyon?" Sabi ko sa kanya at t'saka ko nilantakan ang sandwich habang nakikinig lamang ako sa sasabihin niya. "May natanggap kasi akong sobreng galing sa Teressia City." Sabi niya sa akin.  "Anong laman ng sobre?" Tanong ko naman sa kanya habang nakatingin na sa kanya ng seryoso. "Sobreng galing sa Legendary Academy." Sabi niya sa akin ng seryoso. "Are you damn serious? Gusto mo ba ako pumasok sa paaralang iyon?" Seryosong tanong ko sa kanya. "Oo at wala ka nang pag pipilian kung hindi ay tanggapin ang sobreng ito." Seryosong sabi niya sa akin at binigay ang sobre. I rolled my eyes then I asked him. "Then? Mag aaral ako sa paaralang iyon?" Tsk "Oo," Seryosong sagot niya sa akin at t'saka siya nawala sa paningin ko. Padabog kong binaksak ang sobre na nasa kamay ko dahil na basa ko na ang laman ng sobreng ito. Kung ang iba ay natutuwa dito sa sobre na ito pwes ako hindi dahil matagal kona kinamuhian ang Legendary Academy na iyon hanggang umabot sa puntong gusto kong sirain ang barrier naka protekta sa akademia na iyon at dahil ako lang ang pwede ang makakasira ay kaya ko rin patayin ang mga nilalang na nasa loob ng akademia na iyon. Mabuti't na pigilan ako ng Dambuhalang Ahas na iyon at hindi rin na tuloy dahil inalis ko ang lugar na iyon. Ang Akademia at ang mga estudyante doon ay kinamumuhian ko dahil sila'y mga hayop nag babalat-kayo bilang tao at ang mga estudyante doon ay mga walang respeto sa kapwa nilang estudyante pati nga teachers ay ganoon rin ang trato nila sa mga mahihirap kaya ayaw ko sa mga estudyante doon baka mapatay ko sila ng maaga. Ang dahilan ay malapit ako mamatay noong bata pa ako tandang tanda ko pa noon kung paano ako sinisigawan at pinapahiya sa kapwa ko estudyante pati na rin mga tinuturing kong pamilya s***h kaibigan ay pinapahiya ako sa harapan ng tao at pinagbabato ng mga mahika nila kaya labis ako nagalit noon dahil daw isa akong malas sa akademia na iyon at iyon nga nangyari ang kanilang nais nilisan ko ang akademia. Wala rin tumutulong sa akin mga teacher noong nangyari iyon at sa huli ako parin ang pinagbintangan kaya pinapangako ko sa aking sarili hindi na ako magpapakatiwala sa kahit sinong nilalang. Mahal ko ang aking sarili at ayaw ko rin na magtanim ng galit sa mga nilalang na iyon dahil kapag tumapak ang paa ko sa akademia na iyon makikita nila ang kanilang sariling bangungut. Ngumisi ako sa sariling iniisip darating ang araw na iyon dahil silang lahat luluhod sa harapan ko. "See you soon, Legendary Academy" Ngising-ngisi sabi ko sa sobre. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD