"Train your mind to find good things in everything around you. Choosing to be positive is more important .How happy you are depends on the quality of your thoughts" Chapter 61 Narinig niyang tumunog ang cellphone. Binuhay niyang muli ang dati niyang number para ma-contact siya ni Rain. Nakita niya itong tumatawag Husband is calling Dineadma niya ito dahil may tinatapos siyang report. Muli niyang itinuon ang pansin sa ginagawa at nagfocus doon. Sinasamantala niya ang pagkakataon na yon habang tulog ang anak niya.Dalawang oras ang ginugol niya doon sa pagrereview nang report. Pagkatapos uminom nang tubig humiga narin siya sa tabi nang anak. Hinalikan niya muna ito sa noo saka ito niyakap. Nawala na sa isip niya na tawagan si Rain. Magaan ang katawan na pumasok siya kinabukasan,siguro

