Chapter 49 Umungot si Atasha,hindi niya magawang imulat ang mata dahil antok na antok pa.Pero may naramdaman siyang may kumuha dito. Kaya naman napabalikwas siya ng bangon. "Atasha" Malakas niyang sambit. "Ssshhh,go back to sleep,ako na bahala kay baby" Then she saw him, karga ang kanilang anak. Nakita niyang may laman ang bottled milk, siguro ay nag thaw ito ng gatas niya mula sa freezer. Tumango siya at bumalik sa paghiga. Ramdam niya ang sobrang pagod ng katawan. Tumagilid siya paharap sa mag-ama at niyakap ang isang unan. Hindi na niya muling narinig na umungot ang anak. Kaya naman payapa ang kaniyang tulog. Alas siete na kinabukasan siya nagising. Wala si Atasha sa loob ng kwarto. Naalala niyang kinarga ito ng ama at siyang nagpatulog ule dito.Ang haba ng kaniyang itinulog. Bu

