Chapter 47 "RK, hold on.. malapit na tayo sa hospital". malakas na boses na saad ni Rocky. "Rocky.., pakibilis lang please... , sobrang sakit na talaga. Baka hindi na ako aabot." malakas na sigaw niya. "Hold on RK, we're near. hawakan mo lang ang kamay ko... Babe careful on driving .. " halata sa boses ni Stelle ang nagpapanic, pilit nitong iniibsan ang sakit na naramdaman niya. Pinagpawisan na siya ng malapot, sa tanang buhay niya ngayon niya lang naranasan ang ganun katinding sakit. Parang mahahati ang katawan niya sa mga oras na yon. Biglang pumasok isip niya ang asawa,kung hindi lang sana ito nagloko ,hindi sana siya aalis sa Batangas. Muli siyang napasigaw nang malakas nang humilab ulit ang kaniyang tiyan. Sa pagkakaintindi niya sa mga panahong yon ay nasa tapat n

