Chapter 59 Mabilis niyang sinalubong si Perla at Atasha sa lobby nang hotel. Tinawagan niya ito kanina na itagpo ang anak doon. Nagdahilan nalang siya na hindi sila uuwi ni Rain. Wala itong kaalam alam sa planong nabuo sa kaniyang isip. Alam niyang naging selfish siya sa ginawa niyang iyon at hindi inisip ang magiging safety nito sa trabaho. Alam niya kung paano magalit si Rain. Oo maaring sabihin nang iba bakit hindi niya nalang magawang magpatawad at ayusin ang pagsasama nila ni Rain. Pero hindi ganun kadali yon. Mahirap para sa kaniya namuhay mag-isa habang nangungulila sa dalawang matanda. Tapos malalaman niya ngayon na ang asawa ay may matagal nang alam ang lahat nang iyon. Masakit dahil para siyang napaglaruan. Literal na napaikot sa palad. Iba pala gumalaw ang mapepera at walan

