Reighn Kerstin POV Nagkatinginan sila ni Rain sa tinuran ng ina. Ilang araw na itong babad sa trabaho kaya hindi na siya naabutang gising pa. Hindi siya umimi, hinayaan niyang si Rain ang sumagot. "Marami lang akong tinatapos na kontrata ngayon mama, kapag umokay yon nagbabalak akong magbakasyon kami ng asawa ko sa Europe, gusto ko siyang dalhin doon." "Mabuti naman at naisip mo yan anak, hindi pa nga kayo nakapaghoneymoon man lang, sabak agad kayo sa trabaho pagkatapos ng kasala". Naramdaman niyang pagkalabit ni Stelle sa akin. Nilingon ko siya. "Hindi mo pa nakukwento sakin paano nangyare na nagpakasal ka sa kapatid ni Rock?"bulong nito. "Sorry, biglaan kasi e, saka mahabang estorya". "Kailangan mo yang sabihin sakin, kailangan ko yan malaman."may pagdududa sa mga mata nito n

