Chapter 68 Alas otso na ng gabi nang dumating si Jacob sa condo. Mula pa lang sa pintuan, halata na ang pagod sa kanyang mukha—mga matang bahagyang namumula at postura niyang tila pinanghihinaan ng lakas. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nang makita niya si Atasha, isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, wari’y saglit na nabura ang bigat ng maghapong trabaho. “Kaye,” bati niya, mahina ngunit puno ng lambing, habang maingat na inaabot si Atasha mula sa mga bisig ng ina. “Miss ko na ’to.” Tahimik na pinagmasdan ni Kaye ang kaibigan. Sa tingin niya, galing pa si Jacob sa ospital—marahil mula sa isang walang pahingang duty. Kitang-kita niya ang pagod na bakas sa bawat kilos nito, at bigla siyang nakaramdam ng matinding guilt. Limang araw siyang nawala para sa bakasyon, at kahit pa tuwing
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


