Chapter 43 Napahawak si Stelle sa dibdib sa sigaw ng asawa. Ngayon niya lang ito nakitang magalit. Tiningnan niya si RK, naiiyak na ito at hindi makapagsalita. Natahimik ang lahat, nakatuon ang tingin sa gitna, nakaawang ang mga labi. "Cathy you better leave, bago ko pa makalimutang babae ka". Mariing saad ni Rain. Nakahawak ito ng mahigpit sa bewang ni RK. "Talaga Rain, ganyan kaba katanga at uto uto para maniwala sa babaeng iyan??At ano pagkatapos niyang makuha ang pera sayo ng tuluyan sa tingin mo mananatili siya sayo?" "Wala kang alam Cathy kaya pwede ba umalis kana.,Guard.... guard.." Agad na naialis si Cathy sa loob,Nagpupumiglas pa ito at nagwawala habang bitbit ng gwardiya palabas. Iniikot ni RK ang tingin sa mga naroon, nahagip niya ng tingin ang kaniyang ina, nakatulala i

