"The best way to protect your peace of mind and energy is by keeping a focus on what matter's most YOU AND YOUR PURPOSE" Chapter 51 Hinayaan niya lang na matulog si Rain pagkatapos nitong kumain, halos wala pa raw itong tulog mula magdamag, bigla naman siyang naawa . “Good Morning ate. I miss you so much , “ bungad sa kanya ni Justin pagpasok ng kusina, nag-iimis siya habang nag-eenjoy pa sa pagbabantay kay Atasha si Perla. ‘’Oh hi, I miss you so much. Kamusta ang recollection?” “Ayos naman ate, wow, I am happy to see you home finally, Where is my niece?” Tumaas ang kilay niya sap ag-English ni Justin, nag iba din ang tone ng pananalita nito. “Nasa garden, pinpasyal ni Perla, englisero kana, “ “Nakakahiya kasi sa school ate, nahahawa ako sa mga kaklase ko”. “Bakit , saan kaba nag-a

