Napalingon si Ares kay Trinidad na kasama niyang nakatayo sa maluwag na pasilyo. Walang mababasang emosyon sa anyo ng mukha nito. Nakatagilid ito sa kaniya at nakaharap sa nakapinid na dahon ng pinto ng elevator. Hinihintay nito ang pagbukas niyon para makababa sila sa basement parking ng hotel. Tumikhim ang binata. “Rin, wala pa naman siguro sa isip mo ang tapusin na itong mga pagkikita natin?” tanong niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nababalisa siya sa sadyang pananahimik ni Trinidad. Mula nang umalis ang Uncle Cazcoe niya ay hindi na kumibo ang dalaga. “Bakit bigla mong natanong iyan?” Kumunot ang noo nito, pero hindi ito nag-abalang tumingin sa kaniya. Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. Naalala ko lang ang mga sinabi ni Uncle Cazcoe kanina.” Pinadaan niya muna ang maiklin

