Kabanata 17

1126 Words
"Meeting." Inangat ko ang paningin ko kay Tasha na nasa harapan ko. Kahit ayoko siyang makasama ay wala naman akong magagawa. Siya parin ang secretary ni Papa, hindi ko naman siya pweding tanggalin. Ano namang sasabihin ko na dahilan? "Tungkol saan?" Tumayo na ako habang hinihintay siyang sumagot. Dahil ako ang pumalit pansamantala kay Papa, pansamantala ko rin siyang sekretarya. "Upcoming team building," sagot niya at naglakad na kami patungo sa meeting room. Pagkarating roon ay mauupo na sana ako sa upuan ng president pero pinigilan ako ni Tasha. "B-bakit?" takang tanong ko. "Vice president ka lang," sabi niya bago ako pinaghila ng upuan. Nahihiya akong tumikhim at tila balewala naman sa mga nakakita. Marahil ay si Enrico ang tumatayo ngayong president ng kompanya. Ilang sandali pa ay nagulat ako nang pumasok si Eros at naupo sa upuan ng president. T-teka? Kailan pa? Hindi manlang ako sinabihan ni Papa sa mga pagbabago sa kompanya. Nakita ko pa ang pataas ng kilay ni Eros nang makita ang panlalaki ng mata ko sa sobrang gulat. Inirapan ko lamang siya. The meeting has started at parang walang pumapasok sa utak ko dahil gulat pa rin ako. "Right, Miss Amanda?" Napabaling ako kay Eros nang tawagin niya ang pangalan ko. Ang gago ng ito, alam niya yatang hindi ako nakikinig kaya naman gusto niya akong ipahiya. "He's saying na dapat daw kayong sumali ng dalawa sa event," buong sa akin ni Tasha. Tss. Mabuti pa itong girlfriend niya, hindi dinadala sa trabaho ang personal na emosyon. "Yes," I confidently answered him. Bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya at pinasadahan ng tingin ang girlfriend niya sa tabi ko. Maayos namang natapos ang meeting at magpapatawag na lamang muli kapag na-finalize na ang lahat. Papalabas na kami ng meeting room nang lumapit si Eros. "Sabay na tayong mag lunch." Ibubuka ko pa lamang ang bibig ko ay nakasagot na si Tasha. "Sure." Fuck! Mabuti na lamang at naunahan niya ako kung hindi ay napahiya pa ako. Bwesit! Nagmartsa ako palabas at iniwan silang dalawa roon. Si Tasha nga pala ang girlfriend, bakit ka naman nag-akala na tatanungin ka no'n Amanda? Mabulunan sana sila habang nagla-lunch! Nakasimangot akong tumawag sa canteen para hatiran na lamang nila ako ng pagkain. Kung wala lamang trabaho si Sierra ay baka inaya ko na itong sabay kaming kumain. Hindi bali sa ibang araw ay dadalawin ko siya sa trabaho at doon kakain. "Dapat sumabay ka na lamang sa amin." Matalik kong tinignan si Tasha nang pumasok ito sa opisina habang kumakain ako. Tapos na yata silang kumain, ang aga naman niyang bumalik. Sana ay naglampungan pa sila ni Eros nang hindi ko agad siya nakikita sa opisina ni Papa. Umiinit ang ulo ko kahit wala naman siyang ginagawang masama. "Hindi na. Kaya ko namang kumain mag-isa," hindi ko naitago ang pait sa tinig ko. Hindi siya sumagot at inabala na lamang ang sarili sa kan'yang cellphone. Hindi pa naman tapos ang breaktime. Baka ang akalain niya ay bitter pa ako sa kanila. Sabagay ay totoo naman kaya bahala na siya sa gusto niyang isipin. Hindi pa ako natatapos kumain ay si Eros naman ang pumasok sa opisina. Saglit lamang niya ako tinapunan ng tingin bago lumapit kay Tasha. Lihim akong naiinis sa kanilang dalawa. May sarili naman sigurong opisina si Eros, bakit kailangang dito pa sila maglandian. Napalingon ako sa kanila nang sabay silang tumawa habang may tinitignan sa cellphone ni Tasha. "Ehem!" Marahas akong umubo ngunit tila mga bingi ang mga ito at hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Nagpupuyos ang damdamin ko sa galit. Sana ay kumuha na lamang sila ng hotel, hindi iyong sa opisina pa sila maglalandian. Padabog kong inayos ang pinagkainan ko at sa halip na itawag pa iyon sa canteen ay ako na mismo ang magdadala. Hindi na muna ako bumalik sa opisina at naupo na lamang muna sa canteen. Bumili rin ako ng chicharon. Kinakain ko iyon habang ka-chat ang isa sa mga yaya ng anak ko. Yaya Dory sent a cute photo of Dani. Bagong ligo ang anak ko, hubad pa ito at hawak hawak ang manikang binili ni Eros. Malapad na ngumiti ako, napaka-cute ng anak ko, manang mana sa akin. "Breaktime's over. Stop texting your boyfriend." Inanat ko ang tingin ko at sumalubong sa paningin ko ang busangot na mukha ni Eros. I looked at my wrist watch and he's right, over break na nga ako. Tumayo na ako at niligpit ang balat ng pinagkainan ko. "You should know, when to work and when to flirt. Wag mong abusuhin ang posisyon mo para makapaglandi." Hah! Ako pa talaga ang sinabihan niya no'n? Mabibigat ang hininga ko siyang nilingon. Napupuno na talaga ako sa kan'ya, hindi na nakakatuwa! "Anong sabi mo?" galit na tanong ko sa kan'ya. "Ang sabi ko--" Aba't talagang uulitin pa niya. "Bakit hindi mo 'yan sabihin sa sarili mo?!" Tumaas ang boses ko, wala akong pakialam kahit may mga empleyado pa na makarinig sa amin. Namumuro na talaga siya. "Nagreklamo ba ako noong sa opisina pa ni Papa kayo naglandian? Hindi naman 'diba? Tapos ngayon lumampas lang ako ng konting oras sa break time, aakusahan mo na agad ako? For your information, yaya ng anak ko ang ka-chat ko!" sigaw ko sa kan'ya bago tinalikuran na siya. Maingay ang takong ko habang naglalakad ako pabalik sa opisina. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa galit. Anong karapatan niya na sabihan ako ng ganoon? Hindi nga ako nagreklamo noong sa harap ko sila naglandian ni Tasha. Tapos ngayon may ka-chat lang ako akala mo naman naglalandi ako habang nasa trabaho. Mainit ang ulo ko hanggang sumapit ang hapon. Nagpatawag pa si Eros ng meeting kahit na hindi pa naman finalize ang tungkol sa team building. Parang gago lang siya na nagtatanong kung ano na ang mga naplanong games. "Iyan lang ba ang pag-uusapan n'yo? Honestly we're wasting time here," mataray na sambit ko. Bumaling ako kay Eros na nakahalukipkip at pinagmamasdan ako. Hindi ko alam kung bakit siya na ang president pero isa lang alam ko, inaabuso niya ang posisyon niya. "Hindi ba't napakasunduan na kanina na kapag final na lahat saka magmemeeting? Ano ito? Bawat may idea na nabuo magme-meeting tayo?" Kagat labi si Eros na nakatingin sa'kin. Mas lalo akong nagagalit dahil parang natutuwa pa siya sa reaksyon ko. Pinipigilan niya na matawa. "May dalaw ka ba?" nakangisi niyang tanong. Nilibot ko ang paningin ko at mabilis lamang nag-iwas ng tingin ang mga naroroon. That's it, pikon na pikon na ako. Hindi ko na napigilan nang may tumulong luha sa mata ko. Sa sobrang galit ay naiiyak na ako. "f**k! Everyone out!" Tarantang utos ni Eros. Nagmamadali rin akong tumayo at akmang lalabas na nang mabilis niyang nahuli ang braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD