By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ------------------------- Agad akong bumalikwas sa higaan at tinungo ang ibabaw ng drawer kung saan nakapatong ang cp ni kuya. Dinampot ko ito, dinayal ang isang number at iniabot kay kuya. Tinanggap naman ni kuya ang cp na galing sa aking kamay atsaka pinindot ang speaker nito. “Hi ‘tol!!! Musta! Napatawag ka,” ang sagot sa kabilang linya. “Oo nga eh. Nakaistorbo ba ako?” “Nope. Excited nga akong napatawag ka e. Syempre, mahal ko ata ang tumatawag. What’s up!” sagot ni Zach. Napangiwi naman ang mukha ko sa narinig. Iyon bang ginagaya ang pagsasalita niya ng “Syempre, mahal ko ata ang tumatawag” bagamat walang boses na lumalabas sa aking bibig pero ngnaungutya ang dating. Grabe talaga ang galit ko sa

