"May kapapasok lang po na balita galing sa Philippine Coast Guard. Na isang Cruise Ship ang kasalukuyang lumulubog ngayon sa baybayin ng Palawan. ..blah...blah..." Niyanig ng balitang iyong ang buong sestima ng binata. Dahil ang cruise ship na iyon ay kung saan ginanap ang activity na sinalihan ng asawa. At halos ikabaliw nya ng malamang isa ang asawa nya sa mga nawawalang pasahero ng barko. Lahat sila ay nagpapanic. Si Don Manuel ay sinugod sa hospital dahil inatake ito sa puso noong malaman ang balitang nawawala ang anak nito. Pinasuyod nila ang lahat ng Isla pero hindi nila mahanap ang asawa. Limang araw na silang naghahanap ay hindi parin nila ito matagpuan. Naglabas sila ng milyon milyon na pera para mahanap ito pero walang magawa ang kanilang pera para maibalik ito. Nalaala

