Crush

1916 Words
A smile formed on his lips ng makita niya ang babaeng gusto niyang makita. The girl he'd been thingking mula pa kahapon. Talagang inagahan niya ang pumunta sa usapan nila ng Don. Dahil nagbabakasali siyang makita niya ulit ito. Sumandal muna siya sa kotse niya and he took his time to watch them na busy sa pagbababa ng kanilang pinamili. Galing siguro ang mga ito sa pamamalengke at hindi agad siya napansin ng mga ito. she's wearing jeans paired a simple white blouse pero kahit na may kaliitan ay kitang kita ang kurba ng katawan, nakatali ang mahabang buhok nito. Maliksing gumalaw.Napangiti siya dahil ang sarap nitong tumawa habang nakikipagbiruan ito sa mga kasama niya . 'How does it feel kaya na maikulong niya ito sa mga bisig niya. Parang kaya niya itong itago gamit lang ang yakap niya. It may sound crazy but damn! Parang gusto niya itong ilagay nalang sa kanyang pocket. She's so cute and beautiful on his eyes. She's not his type, but that girl already caught his attention. Aminado siyang crush na niya ito mula ng una nyang makita at alam niyang masyado na rin siyang matanda para sa mga crush crush thing na iyan pero iyon ang naramdaman niya e. Then nagdesisyon siyang lapitan ang mga ito. "Good morning po." Bati niya sa mga ito pero kay Aling Seling siya nakatingin. Nakita niyang nilingon siya ng mga ito at binati maliban kay Sam na ibinalik ang tingin sa ginagawa kaya napabuntong hininga siya. Alam niyang naging harsh siya dito kahapon kaya gusto sana niyang magsorry. "Ang aga nyo ata ngayon Sir?" Tanong ni Aling Seling sa kanya. "May usapan po kasi kami ngayon ni Don. Manuel." Nakangiti niyang sagot. "A ganon ho ba. Aba pasok na po kayo sa loob. Nakababa na po ata siya kanina." Taboy ng matanda sa kanya saka ito bumaling kay Sam. "Sam kami na dyan. Pasok kana sa loob." Sabi ni Aling Seling dito. Bumuntong hininga naman ito. Napansin niyang iniiwasan nitong tumingin sa gawin niya. "Sige ho Nay. Mauna na po ako sa loob." Nakayuko ang ulo nito akmang lalagpasan siya pero tumikhim siya para kunin ang atensyon nito pero hindi siya pinansin. Kumunot ang kanyang noo. So, talagang nagalit nga niya ito kahapon. "Excuse me Miss. can we talk?" Pahabol niyang tanong dito pero patuloy parin itong naglakad kaya hinabol niya ito at pinigilan. Pero natigilan siya ng maramdaman ang kuryente ng dumaup ang palad niya sa balat nito at alam niyang naramdaman din ito ng dalaga. Kaya natigilan din ito. Napatingin ito sa kanya they stared at each other for a couple of seconds pero ito ang unang nakabawi. She took a deep sighed "May sasabihin po kayo?" Kunot noo nitong tanong sa kanya na medyo hinila ang braso na hawak niya pero hindi niya agad iyon binitawan at parang maglalaro ang amoy nito sa kanyang ilong, hindi siya pamilyar sa pabangong gamit nito pero ang sarap ng amoy nito para sa kanya. "I was talking to you but you're avoiding me." Sabi niya na kunyari ay pinakita niyang nainis siya. "Hindi ko po alam ang sinasabi nyo." Sabi nito at hinila uli ang braso nitong hawak nya. Kaya binitiwan na niya. "Look, I know I'm being harsh yesterday and I want to say sorry for that." Tinitigan niya ito sa mga mata. She parted her lips pero isinara din agad na parang walang mahagilap na salitang sasabihin. Pero nakatitig din ito sa mga mata niya. 'Ang ganda ng labi niya parang ang lambot. Mamula mula ang kulay. Kahit walang lipstick. Hindi ito manipis pero hindi din naman makapal na parang ang sarap halikan' Napansin niyang himinga uli ito ng malalim at iniyuko ang ulo. "Excuse me ho." Halos pabulong lang nitong nasabi sa kanya. "Hey. Wala ka man lang ibang sasabihin?" Kunot noo niyang tanong dito, hinawakan uli niya ang siko nito para pinigilan uli itong umalis. Parang patamad naman itong tumingin uli sa kanya at parang nakasimango, tinanguan lang siya at hindi man lang nagbago ang seryoso nitong mukha. "Ganyan ka ba talaga o baka ayaw mo lang na napagsasabihan?" Inis na niyang sabi dito. Parang nasaktan din kasi ang ego nya dahil halos nga lahat ng mga babae nagpapansin sa kanya tapos ito parang baliwala lang siya dito. Gumuhit din ang inis nito sa mukha. "Salamat po concern Sir." Sabi nito pero in a sarcastic way. "Woah... Look, Kung ayaw mong napagsabihan nasa saiyo naman iyon. Baka naman talagang sinasadya mong magpakita ng motibo para mapansin ka." Tuluyan na siyang nainis dito. "Hoy lalaking mayabang! Wala kang karapatang pagsabihan ako nyan." Halos lumaki ang butas ng ilong nito sa subrang inis din sa kanya. "Kala mo naman kung sinong kagwapohan." Bulong nito pero narinig niya. "What did you say?" Hindi siya makapaniwalang sasabihin nito iyon sa kanya. Mas lalo tuloy siyang ginanahang inis na ito ng tuluyan. "Ano ang gusto mong isipin ko. Nakita kitang halos kita lahat yang dibdib mo tapos pagsasabihan kita ikaw pa ang galit. Buti naman sana kung malaki yan." Sabi niya saka binaba ang tingin sa dibdib nito. "Abat-- bastos!" Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa niya, iniyakap pa ang mga braso sa tapat ng dibdib halos mapatay na siya sa uri ng tingin nito. Nginisihan niya ito na parang nanunuya. "O diba. Galit kang nababastos pero ikaw ang nagpapakita ng motibo para mabastos." Matalim ang mga mata nitong tumitig sa kanya. "Wala akong ginagawang masama. Ikaw lang ang malisyoso." Mariin nitong sabi sa kanya. "Wala ba? So, hindi pala masama na makitaan ka. Di pwedeng----" sinadya niyang ibitin ang kanyang sasabihin dito at pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Pero laging gulat niya ng dumapo ang mga kamay nito sa pisngi niya. Hindi naman malakas iyon pero dahil hindi niya inaasahan ay napabaling ang kanyang ulo. "What the f**k!" Mura niyang binaling ang tingin dito hawak ang pisngi sinampal nito pero parang mas sinampal siya ng mas malakas ng makita niyang nanginginig ito na parang natatakot at nangingilid ang mga luha. Akma niya itong lalapitan pero humakbang ito ng paatras at nag-uunahan ng malaglag ang mga luha nito sa pisngi. "Hey, bat ka umiiyak. Look Im sorry kung nagalit kita." Nataranta na siya. Ayaw niya itong makitang umiiyak. Pero napamura siya uli sa sarili dahil siya ang nasampal pero siya ang humihingi mg sorry. "Ang sama mo" humihikbi nitong sabi saka siya mabilis na iniwan. Nasundan nalang niya ito ng tingin. *. *. * "O Jefferson. Ang aga mo." Bati ni Don. Manuel sa kanya. Nasa diningroom ito at nagbabasa ng newpaper habang may umuusok na kape sa harapan. May dalawang katulong naman na busy sa pagseserve ng breakfast ng mga ito. "Magdagdag pa kayo ng isang plato." Utos ng Don sa mga katulong. Mabilis naman tumalima ang mga ito. "O tol ang aga mo a." Bati sa kanya ni Jhon na kababa lang sa hagdan. Nakabihis na din ito para pumasok sa opisina. "Beth. Hindi pa ba bumabangon ang ma'am ninyo?" Tanong ng matanda sa isa nilang katulong. "Ay kanina pa ho gising iyon. Sumama nga po sa palengke e." Sagot naman ni Beth. "Sumama? Bakit daw?" Kunot noong tanong uli ng Don. "Lo. Parang hindi mo naman alam ang isang iyo. Parang kiti kiti." Sabi naman ni Jhon. "Ipasyal mo nga kaya para naman malibang." Sabi naman ng Don kay Jhon. "Ayaw nga kayong iwan, pag inaaya ko sasabihin 'dito nalang ako walang kasama si daddy.'" Naiiling nitong sabi sa matanda. "Aba e. Hindi pa nakakapaglibot iyon dito sa manila a." Naiiling na sabi ng matanda, bumaling uli ito kay Beth. "Tawagin mo nga siya." Utos nito. Mabilis namang tumalima ang katulong. "Tol, dalawang araw ba tayo kila Ron pag pumunta tayo doon?" Tanong niya kay Jhon. "Oo daw, magpipicnic pa daw tayo e. Mukhang namiss din tayo ni Ron ang tagal din kasi nating hindi nakasama e." Sagot naman ni Jhon bahang abala sa paglalagay ng pagkain sa plato nito. "Buti pa iyong kaibigan nyong iyon at may pamilya na. Kayo, wala pa ba kayong balak lumagay sa tahimik?" Tanong ni Don Manuel sa kanila na ikinatawa nilang dalawa. "Girlfriend po muna ang hahanapin namin bago po asawa." Natatawang sagot ni Jef sa matanda. "Lo. Baka maingay at magulong buhay kamo." Sagot naman ni Jhon sa lolo nito. Sabay sila napatingin sa taong bumababa sa hagdan at palapit sa kanila at napakunot ang kanyang noo ng makita si Beth na kasabay si Samantha. Napaawang ang kanyang labi ng makita si Sam na mula sa likod ay ipinulupot nito ang mga braso sa leeg ng matanda at hinalikan pa niya ito sa pisngi at sinandal ang baba sa balikat. "Sumama ka daw sa palengke?" Dinig niyang tanong ng matanda dito. "Emm" maiksi nitong sagot. Awang parin ang kanyang labi. Tumingin siya sa kaibingan na nakangiting nakatingin sa dalawa. "Anong binili mo doon?" Tanong naman ni Don Manuel na ibinaba ang binabasa dahil nakayakap parin ang dalaga sa leeg nito. "Wala po. Gusto ko lang sumama." Malambing nitong sagot. "Sweetie. Kung gusto mong mamasyal pwede ka namang magsabi. Ang tagal na kitang inaayang gumala pero ayaw mo. Tapos pag pupunta ng palengke sumasama ka. Ayaw mo lang ata akong makasama e." Parang nagtatampo namang sabi ni Jhon. Bumitaw ito sa leeg ng Don at umupo sa tapat ng upuan ni Jhon. Magkatabi kasi sila ni Jhon sa upuan kaya kaharap nila ito. Bahagyan siya nitong sinulyapan. "Siya pala Jefferson Santiago anak. Kaibigan siya ni Jhon at malapit na kaibigan din ng pamilya natin ang pamilya niya. Jef. Siya si Samantha Arguelo ang aking anak." Pakilala sa kanila ng Don. Wala siyang maapuhap na sasabihin dahil nabigla siya. kaya napatingin nalang siya dito. Tinanguan naman siya ng dalaga pero hindi nagsalita. 'Sh*t! Kaya paka inis na inis ito sa kanya. Napagkamalan pa niya itong katulong' mura niya sa sarili. "Sweetie. Sama ka sa amin sa binyag nong anak ng kaibigan namin ha." Aya ni Jhon sa dalaga. Sinusundan lang nya ng tingin ang galaw ng kaharap. "Kailan ba?" Tanong nito at nagtaka siya ng isabaw nito ang kape sa kanin nito. "Sa friday ng madaling araw." Sagot naman ni Jhon na parang normal lang sa mga ito ang ginawa ng dalaga. "Two days tayo doon" Tumingin ito kay Jhon na mukhang tatanggi sana pero agad namang nagsalita ang Don. "Anak. Sumama kana. Hindi naman pwedeng magkulong ka nalang dito sa mansion. Kailangan mo ding makakilala ng mga bago mong kaibigan at hindi ka makakahanap non kung nandito ka lang." "Pero daddy. Two day's yon. Wala kang kasama dito." Nakanguso nitong sagot sa ama. Hindi niya maiwasang mapangiti sa inasal nito. "Anak. Kung kasama lang. ang dami namin dito o." Sabi nito at binalingan ang mga katulong na naghihintay lang ng utos na nasa gilid. "Oo nga naman. Para makilala mo din yong mga kaibigan ko." Pilit uli ni Jhon. "Sigurado po kayong ok lang kayong maiwan?" Panigurado nito sa ama kaya napatawa naman ang matanda dito. "Ok lang ako. Mas hindi ako magiging ok kung nandito ka lang sa loob ng mansion" nakangiting sabi ng Don dito. Lalong nalukot naman ang maganda nitong mukha. "Nagsasawa na po ba kayo sa akin?" Salubong ang kilay na tanong nito. Bumuntong hininga naman ang Don. "Anak, ayaw ko naman na ikulong mo ang sarili mo dito. Gusto kung makita kang nag-eenjoy sa buhay hindi yong nauubos lang ang oras mo sa akin. Mamasyal ka magshopping. Maghanap ng kaibigan."Paliwanag naman ng ama. "Sige. Magshashopping ako pero kayo ang kasama ko." Sabi ni Sam sa ama. Tumawa naman ng malakas si Jhon sa sinabi ni Samantha. "Hindi kana kayang ipagbuhat nag shopping bags ni lolo." Biro naman nito. "Di sumama ka. Ikaw ang taga buhat." Irap nito kay Jhon. "Really! Itong gwapo kong ito pagbububatin mo lang" reklamo nito pero nakatawa naman ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD