Nang hindi na masyadong masakit ang pasa ni Francesca ay nagmamadali siyang nagbihis at kinuha niya ang scooter sa labas. Ipinasok niya iyon sa garahe. Itinabi niya iyon sa isang sulok para hindi makaabala sa apat na sasakyang naroroon. Kinuha niya ang kanyang backpack at dinala sa kwarto nila ni Nanay Mercy. Isa-isa niyang isinalansan sa kabinet ang kakaunti niyang gamit. Napansin niya ang kanyang cellphone, na hindi na niya pinag-aksayahang buksan mula pa kahapon. Kinuha niya ito at binuhay at sunod-sunod na mga text messages at call alerts ang dumating sa kanya. Karamihan doon ay galing sa daddy niya. Hindi na niya iyon pinag-aksayahang basahin pa. At para hindi siya maabala, isinilent niya ang cellphone. Nang matapos siya sa pag-aayos ng gamit ay nagbihis siya ng unipormeng ibin

