Naging busy si Leandro ng mga sumunod na araw, dahil sa mga tinatapos nitong trabaho sa opisina. Kabi-kabila ang meetings niya para sa site visit na gagawin sa Baguio. At dahil doon, nakalimutan na niyang kausapin pa si Ikay tungkol sa nakita niya sa ospital. Masaya ang mga bata ng dumating ang araw ng pag-akyat nila sa Baguio. Ganoon din sina Caren at Ana. Matagal ng hindi nakakapagbakasyon ang mga ito kaya’t naisipan na rin ni Leandro na isama. Pati na rin si Nanay Mercy. Kaya’t dalawang sasakyan ang gamit nila. Ala-una ng madaling araw sila aalis ng Maynila. Kasalukuyang nasa kwarto ni Jacob si Francesca at tinutulungan itong magbihis. “Have you been to Baguio Ate Ikay?” tanong nito habang tinutulungan niyang i-zipper ang jacket nito. “Oo naman! May rest house kaya kami doon,” na

