Matapos ang lahat ang pagdalaw namin sa babae ay umalis na din naman kami agad, ngunit bago kami umalis sinigurado ko munang mag-kaayos na sila ni Casper. Naiintindihan naman daw ni Casper na hindi nito iyon kasalanan, sapagkat ay naimpluwensyahan lamang ng taong tinuring niyang kaibigan. Masakit daw isipin na ang akala niyang matibay na relasyon nilang magkakaibigan, ay masisira lamang dahil sa isang babae. Kapatid daw kasi ang turing nilang magkakaibigan, sanggang-dikit, o partners-in-crime daw kuno. Kaya hindi niya aakalain na ganoon daw ang gagawin ng kaibigan, hindi manlang niya alam na ganun ang nangyare sa dalawa, ngunit ay naghigante agad ito sakanya at sa ganoong paraan pa. “Hindi ko alam ang gagawin ko pag nakaharap ko siya, kung makakayanan ko bang magpigil na hindi siya ma

