Khieth's POV, Habang pababa ako ng hagdan hindi talaga maiwasan ang mga nagdududang mata na nakatingin sa akin. Hindi naman nila ako malapitan dahil sa takot. Malamang sa akin ang kapangyarihan ni Skater. At hindi ko sila sasantuhin. Subukan lang nila. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad at hindi sila pinansin. Pakealam ko sa kanila. May tatapusin pa ako. Habang hindi pa malaki ang tiyan ko hahanapin at papatayin ko na siya. Salot ang babae na yon. Sana siya nalang ang nawala at hindi si Wynter. Dumaan ako sa kusena ng palasyo para uminom ng dugo, wala kasi si Four hinahanap ang salot na si Autum at marami pa siyang dapat asikasuhin dahil sa pagbubuntis ko. At hindi ako tutunganga dito habang si Four maraming ginagawa. Ano ang silbi ng kapangyarihan ko kung hindi ko gagamitin.

