Four's POV, Napakamot nalang ako sa ulo ko ng tumilapon na naman ang isang basong dugo dito sa kama. Sigurado ako na nagaalburuto na naman ang asawa ko. Malamang kahit buntis ang likot likot. Isang buwan na kaming kasal pero hindi pa siya nanganganak siguro ngayong buwan na siya manganganak. "Wife! Nasaan ka! Halika ka nga dito." Sigaw ko. Hindi nagtagal may narinig nalang ako na nababasag. Sabi na eh nagwawala na naman. Ng biglang bumukas ang banyo ng kwarto at lumabas ang asawa ko na naka undies at bra lang. Ano ang nangyari sa kanya? "Babe ang init! Para akung sinusunog! Natabig ko pala ang salamin sa banyo. Sorry!" Siya habang pinapaypay pa ang kamay niya. Linapitan ko naman siya at niyakap pero bigla naman akung tumilapon mabuti ng maagap ako kaya naka lapag ako kaagad. "Main

