Kaori
"Ang guwapo at ang bango ng lalaking ito." Ang sigaw ng utak ko habang nararamdaman ko ung unti-unting paglapit ng mukha nya at shocks malapit na!!
Malapit na!!
Malapit na malapit na!!
As in super lapit na! eeehhhhh!!!
tok! tok! tok! sunod-sunod na katok ang gumising o sumira sa magandang kong panaginip.
"hay naku! Kung makakatok naman parang gusto ng sirain ang pinto. Tulad ng pagsira sa napakaganda kong panaginip. Haist!" pabulong kong salita dahil narinig ko na si Inay. syempre joke lang na sumasagot ako sa pinakamaganda kong nanay..
"Andyan na po Nay!" nilakas ko ang salita para tumigil na ito sa pagkatok.
Pagbukas ng pinto ay nakaabang pa din ang Inay ko sa labas ng aking kwarto.
"Ano ka ba namang bata ka? Halos nadinig na ng lahat ng kapitbahay natin yang alarm clock mo na tila pambumbero eh hindi ka pa din nagigising. Pambihira ka talaga!"
Bakit parang sabay kami nagsasalita ni Inay? kaya lang sya sa bibig ako sa utak lang? hahaha!! kabisado ko na nga pala kasi ito lagi sinasabi nya pag di ako nagigising agad sa alarm.
"Nay naman eh! Alam nyo bang konti na lang eh mahahalikan ko na sana siya." Ang palambing kong salita may kasama pang pagpungay ng ng mata habang nakasandal sa pinto.
Ngek! iniwan ako bigla ni Inay na nakasandal sa pinto at ito ay bumaba na papunta sa hapag kainan kasama ang dalawa kong kapatid.
"Alam mo Claire, anak kawawa naman yang lalaki sa panaginip mo kasi halos tatlong taon na syang pabalik-balik at hindi ka pa din nahahalikan". Nangingiting sulyap ni Inay habang nilalapag ang pinggan na laman ang ham at hotdog para sa aming almusal.
"And wala ka na ba talagang ibang napapanaginipan kundi yang sinasabi mu pong Mr. Pogi na yan pero wala namang mukha?" ang pabirong asar sa akin ni Xander John Cristobal ang sunod sa aming magkakapatid.
Tatlo lang naman kami eh.
"Oo nga naman ate.. My gahd baka mala beast pala ung itsura nya!!" gatong na pang aasar ni bunso na si Keira Clarisse
Diba masyadong supportive ang mga kapatid ko kaya mahal na mahal ko sila eh.. wehehehe!! asar lang diba??
"Wow! maraming salamat sa suporta nyong dalawa ha!" ang kunot noo at nakapout na nguso na sagot ko.
"Oh! tama na yan." awat ni Aling Luz aka Bobot ang pinakamabait na Nanay sa buong mundo..
waahhh!! galing ko talaga mambola noh?
Napansin kasi nya na naiinis na ko at mukhang nasa mood ang dalawa kong kapatid na sirain ang araw ko.
Syempre dahil makulit nga ako kelangan may sagot ulit ako..
"Basta hangga't di ko nahahalikan at nakikita ang mukha nya hindi pwede na huminto ang panaginip ko." ang nangangarap ko pa ring salita sa mahal kong pamilya habang hawak ang tinidor na may nakatusok na hotdog at kinukumpas ko sa hangin.
Pero naisip ko din kahit di ako masyadong matalino, as if may magawa ba ko kung hindi ko sya mapanaginipan? weheheh!! eng eng lang?
"WHATEVER!!"
Sabay pa talagang sambot ng dalawa kong kapatid.
Ok I give up!! sabi ko nga kumain na lang ako eh.
Ako nga pala si Kaori (read: kaw-ri) Claire Cristobal, ang panganay na anak ni Mr. & Mrs. Cristobal. 19 yrs. old, maganda, mabait, at mapagmahal sa pamilya.. syempre purihin ko na sarili ko diba?
Nagaaral ako sa isa sa pinakamalaking college school dito sa San Isidro sa bayan ng Batangas. Ang South Claremonth University.
Sinuwerte lang ako na may kakilala si Tatay na nagtatrabaho kay congressman.
anong connect?
Kasi si cong. nagbibigay ng referral sa dean ng school para makapasok dito bilang scholar. oh diba ang swerte ko? pero syempre nagexam pa din naman ako noh at aun nakapasa naman kaya ito second sem ko na bilang 3rd year architecture student dito.
"Haist! asar talaga ung dalawa kong kapatid na un!" Syempre bulong ko lang sa sarili ko baka may makadinig at mapagkamalan pa kong nababaliw. naglalakad kasi ako papunta sa first subject ko.
Eh kasi akala ko nung kumain na lang ako nung almusal ko titigil na sila, hindi pa pala..
Kinanatahan ba naman ako ng "beauty and the beast!"
Malapit na ko sa pintuan ng classroom ng biglang nagtakbuhan ang mga estudyante sa likod ko upang sumilip sa bintana ng hallway, na parang may importante/artista na dumating..
At dahil nacurious ako syempre nakisali din ako sa pagsilip, at sa kamalasan ay wala akong nakitang magandang pwesto para matanaw ko kung sino or sino-sino ba ang mga dumating.. HELLO mahilig kaya ako sa artista.. heheheh!!!
dahil hindi nagwagi ang beauty ko so I give up na lang. naglakad na lang ako ulit papasok sa room para sa first subject namin., ako pa lang ang tao sa loob hanggang sa makaupo ako at dumating ang aming prof.
"Ms. Cristobal, nasan ang mga classmate mo?" nagtatakang tanung ni Prof. Sebastian. para sa aming drawing subject.
Helloooww!!! obvious ba na wala silang lahat at andun sa labas? hindi nya kaya nakita?
"Ahm sir i believe po nasa labas sila, hindi nyo po ba nadaanan?" ang magalang ko pa ding sagot sabay tanung sa kanya.
"ah ok. nakita ko nga na madaming estudyante sa bintana at hindi ko lang expect na pati pala sila ay andun." paliwanag ni Prof.
wow! ang cool lang ni sir ha! magsasalita pa sana ko ng isa-isa ng nagsidatingan ang mga classmate ko. kasama ang magaling kong kaibigan..
"uy bestfriend! bat ngayon ka lang? sayang hindi mo sila nakita ayyiiieee!!! ang super guwapo nila noh!" ang kinikilig pang patili na salita nitong bruha kong kaibigan na si Lauren Faye Crisostomo.
May isa pa kaming kaibigan si Sandro Chrisler. Isa syang sirena na Amboy.
"Duh! Eh sino-sino ba yang hndi ko nakita?si Daniel Padilla ba?oh my gad asan na sya?"
"Excuse me lang Ms. Cristobal, i love Daniel Padilla but sad to say hindi po sya ang tinutukoy ko.."
"Oh!eh sinu nga aber ang nakita mo noh?" pabulong kong salita kay Lauren dahil nagchecheck n ng attendance si Prof. "Present Sir" ako na pala ung tinatawag.
Hinahanda na namin ang mga gmit namin para sa exercise na gagawin namin ngaun habang patuloy ang chikahan. "Syempre sino lang ba ang patuloy na pinagkakaguluhan dito sa campus lalo na pag magkakasama sila?"
bakit ba hindi nawawala ang kilig sa boses nitong kaibigan ko?
KILIG MODE: SUPER ON
"Waaahhh!! sayang naman at hindi ako nakasingit ng masisilipan!"
Oh sige nahawa na ko sa nararamdaman ng bestfriend ko
Sino nga ba ang tinutukoy namin? ang apat na magkakaibigan na hindi pwedeng dikitan ng salitang pangit. dahil jusko ang kagwapuhan ay naguumapaw talaga!! Un nga lang ang sungit nila, I mean "nya" lang pala. Oo sya lang, no other than Mr. Jonathan David Santillan.
Wala namang pangalan ang grupo nila dahil ayaw nila "so gay" daw ang naglalagay ng group name. hehe diba kakaiba sila?
"Eh asan na sila? diba classmate natin sila dito sa drawing? malamang nyan nahirapan na naman sila makapanik?" ang tanong sagot ko sa katabi ko habang nakikinig sa instruction ni Prof.
"Malamang talaga yan noh!ano pa bang expect mo? pag naasar na naman ung mga un hindi na naman un papasok dito. wala ka na namang vitamins (inspirasyon) para sa maghapong klase." panunukso pa nito habang pinagbabangga ang mga bewang namin.
Haha! Oo tama ang magaling kong kaibigan kasi super tinatamad ako pag hindi ko man lang sya makita. adik lang diba?
"Asan nga pala si sirenang Sandra?"naguumpisa na kami sa aming exercise. "Absent ba sya?"
"Hay naku siguradong late na naman ung bading na yon. naturingang may sariling car madalas late." sagot ni Lauren sakin ng hindi ako tinitingnan dahil busy na sya sa pagdraw.
Speaking of all the person na pinaguusapan namin.
Unang pumasok si Sirenang "Sandra". request nya kasi yan instead calling him in his true name.
Ayiiee! here they come.
First si Andrew Simon (read: Sai-mon) Fuentebella. aww ang hot nya lang. with his 6feet tall height, a feature like my idol Keanu Reeves.
Next, Landon Dave Razon the tall, fair complexion, and handsome of the group, ang Richard Gomez na medyo maputing version.
Then, Calvin Anthony de Rosales ang medyo cool sa group na smiling face.
And Finally ang Man of my dream, my super love Jonathan David (read: Day-vid) Santillan, of course the hotest in the group. syempre ako tumitingin eh. diba beauty is in the eye of the beholder?hehe!
Ayun as usual seryoso na naman ang mukha nya. Masungit nga kasi sya noh! Dumiretso na sila sa pwesto nila. Special kasi sila kaya kahit na arranged kami alphabetically is may nakalaan na talaga para sa kanila.
"hay naku girl! grabe ang super trafic talaga.. promise I will buy a new condo na talaga na malapit lang dito sa university." Si sirena habang nagpupunas ng pawis sa noo na reklamo nito. halatang tumakbo sya para makaabot sa class.
"eh girl naman.. tyr mu lang maaga umalis sa inyo para makita natin kung trafic nga talaga!" pang-aasar ni Lauren. at madami pa silang pinag-usapan na hindi ko na naintindihan, of course ang mind and attention ko kasi is nasa man of my dream na hindi naman kalayuan ang pwesto sakin.
"hey pompom girl!" a teasing call na nagpabalik sakin sa realidad. "baka magmelt ang friend namin ha!" patuloy sa panunukso nito, non other than ang makulit na si Calvin.
It's me the pompom girl. and the whole class just laugh of the scene.