PHEN'S POV IV

315 Words
Ilang minuto siguro akong napatulala, nanigas sa kinatatayuan dahil sobrang gulat ko nung nakita ko si Chen. Natauhan ako nang yumuko si Chen na kaninang gulat rin ay napalitan ng awkwardness. Umupo ako sa tabi ni Ocean, naramdaman siguro ni Ocean 'yung presensiya ko kaya nagising 'to. Inanggat nito ang kaniyang ulo, tinawag ako nitong daddy. Sinilip ni Ocean si Chen, at tinatanong kung bakit ito malungkot. Nginitian 'to ni Chen, at sinabing sumama na sa'kin. Inaakala siguro nito na anak ko si Ocean dahil tinawag ako nitong daddy. Huwag naman sanang tinawag ni Ocean si Chen na mommy. Nung nakaraan buwan kasi nakita ako nito, tinitignan ang picture ni Chen. Kinuha ko 'yun sa album na pinakita ng mga pinsan niya. Nung nakita ni Ocean yung larawan na 'yun bigla niya 'tong tinuro habang binabanggit ang salitang mommy, tinuro rin ako nito at sinabing daddy. "No, mommy." Naibalik ako sa katotohanan nang tawagin ni Ocean si Chen na mommy. Kinabahan ako rito baka magalit si Chen. Humingi ako ng paumanhin kay Chen, at ipinaliwanag 'to sa kaniya. Napansin kong namula 'to nang bahagya dahil sa paliwanag ko. Binuhat ni Chen si Ocean, pinaliwanag niya kay Ocean na susunod magkikita ulit sila. Tumango naman si Ocean, sumunod ito kay Chen na sumama sa'akin. Nang tatayo na si Chen hinawakan ko ang kamay nito. Tinitigan ako nito, kaya binitawan ko ang kamay nito. Napatanong ito sa'kin kung may problema ba raw. Umiling ako, at binigay ko ang calling card ko. Habang hawak niya ang calling card, kinuha niya ang kaniyang telepono. Tinipa ang numero nakalagay sa calling card, tinawagan niya ang numero para siguro makasigurado. Sinagot ko ang nagriring kong telepono na nasa bulsa ng pantalon ko. "Okay na, i-save mo 'yang number ko." Yan ang huli niyng sinabi sa kabilang linya. Nginitian ako nito pagkatapos niyang banggitin, kumaway ito sa'min hudyat na aalis na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD