CHAPTER FOUR
Malapit na ang als nwebe sa umaga kaya nagmamadali na akong naglalakad papunta sa school pero pakiramdam ko talaga may sumusunod sa likod ko.
Dahan dahan ako lumingon sa likod at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Renz na nakasandal sa isang poste at kababa lang niya sa ka'nyang DSLR na nakasabit sa kaniyang leeg. Tumingin ito sa'kin at isinuklay nito ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay. Ba't ang cool niya tignan kahit sa simpleng uniform lang? Mahilig din ito sa photography dahil nakikita ko mga works niya sa school.
Napailing ako at unang naglakad, baka may hinihintay siya.
"Hey," habol ni Renz saakin. Napatingin ako saka,nya at ngumiti. "Hey," bati ko din saka'nya. It's unusual. Nagtataka talaga ako dahil pinapansin na niya ako o baka naawa siya dahil napaka-iyakin ko.
Tumingin naman ito sakin. "Pwedeng pasabay?" Nahihiyang tanong nito at kinakakamot ang ulo.
Napanguso ako sa nakita dahil ang cute niya. "Sure." Sagot ko at dumiritso ng lakad. Nahihiya parin ako sakaniya.
Napatingin ako saka'nya at kumunot ang noo, something's change. "You look cool. Mas bagay sayo ang black hair," I complement. Totoo naman. Pomogi siya diyan. Kahapon naman brown pa yung buhok niyan, kaya pala may nagbago.
"You think so?" Kinamot niya ang kaniyang batok. "Brown parin dapat para bagay tayo." Sabi niya. Natigilan naman ako at kinagat ko ang labi ko. Baka 'kung ano pa masabi ko dahil pinakilig na naman niya ako.
Napatingin lang ako sa likod niya habang una itong naglakad Ba't kaba ga'nyan Renz?
Huminto ito dahil napatigil ako, lumingon siya sakin. "Are you okay?" Nag-alalang tanong niya. Ngumiti nalang ako at umiling. Sumabay nalang ako sa pagpalalakad niya.
Papasok na kami sa loob ng Campus. Napapalingon naman ang mga iilang estudyante saamin. Napatampal ako sa aking mukha. God, famous pala itong katabi ko.
Habang naglalakad kami. Biglang nagkadikit yung braso namin. Napasinghap ako at napalayo. Bakit ganun? Parang may kuryente?
No, hindi ako si Volta. Feeling ko din, naramdaman din niya yun, yung kuryente dahil napalayo din siya at nakita 'kong napahimas ito saka'nyang braso.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinolding hands. I'm out of breath. What the heck is he doing?
Tinignan ko siya ng masama at pilit kinakalas ang pagkakahawak saakin. Para lang nagiging jelly ang tuhod ko, nakakalalambot sa katawan. Tumingin lang ito sakin at umiwas ng tingin, nakikita ko na naman ang pamumula sa kaniyang tenga at leeg. Napapahawak ako sa aking dibdib. What is this? Ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon?
Bawat tingin ng mga estudyante samin ay nag-iinit ang mukha ko. Nahihiya ako, at kinikilig.
Huminto kami pareho sa room ko. Binitawan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa mukha niya
"Dito na 'ko" nahihiyang sabi ko sakanya. At tumingin sa malayo kasi nakatitig siya sakin.
"Sabay tayo ng lunch ha?" masiglang sabi niya. Kaya napatingin ako saka'nya. Nakangiti na siya na parang bata.
Napangiti nalang rin ako dahil nakakahawa siya. "Okay," pagsang-ayon ko. Nakita kong umalis na ito at pumasok sa katabing room, doon ang next subject niya.
Napalingon ako sa loob ng classroom namin. Nanlaki naman ang mata ko nang nakatingin sila sakin at ngumisi.
"W-what?" Kinabahang tanong ko. Ano ba iniisip nila?
"Ayiee. The famous hearthrob prince and the famous sungit princess are going out!" asar ni Felicity. At sumunod ang asar nang iilang kaklase ko.
Napasimangot nalang ako at umupo sa silya. Tinakpan ko ang aking mukha ng notebook dahil namumula ang mukha ko sa hiya.
"See that? Ang sweet nila!" Tili ni Helene, kaklase ko.
Maya maya bigla silang napatahimik. Pati na din ang mga kalalakihan. Kaya napatingin ako kung sino ang pumasok. Si Bianca.
'Di ko nalang pinansin. Pero wala na talaga akong narinig na ingay. Kundi ang takong ni Bianca na papunta sakin kaya napatingin na ako sakaniya.
Lumapit ito sa’kin kaya napakunot ang noo ko. Ano ang kailangan ng babaeng ‘to?
"So huh? May tinatago ka palang landi diyan sa kalooban mo 'no?" maarteng sabi niya. Yung mga kaklase nanonoud lang at hinihintay ang sunod na mangyayari.
"Stop it, Bianca. Wala akong ginawang masama sayo" mahinahon kong sagot. Ayoko ng g**o.
"Ha! Inagaw mo lang naman saakin si Renz. Mang-aagaw, malandi, at pokpok." Bawat bitaw ng mga masasamang salita ay may kasama itong diin. Kaya tumingin ako ng masama saka'nya.
"Tama na "yan Bianca! 'Di gan’yan si Yuri" sigaw nang isang kaklase ko.
Tumingin ako sakaniya at ningitian. Nabigla naman siya sa ngiti ko, at nahihiya ding ngumiti sakin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil may lumigtas pa pala saakin kahit hindi ko sila close.
"Hindi ko siya inagaw sayo, Bianca" mahinahon kong sabi. "Ayaw ko ng g**o so please stop," dagdag ko at napakuyom sa aking kamay.
"Aba! Sumasagot ka pa diyan ha!" Her voiced thundered in the classroom kaya napatingin na ako sa kaniya at nanlaki ang mata ko na may kinuha siya sa isang bag na bottled water.
Binuksan niya 'yon at ibinuhos sa ulo ko. Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko sa gulat. Napapikit ako ng mariin at kinagat ang aking labi para pigilan ang pag-iyak.
Maya maya may naramdaman ako na kakaiba kaya napatingin ako rito. My God, harina ba ito? Ang puti puti ko, para akong basang sisiw na may harina.
Ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko. Sobra na talaga siya. Pati ang ina niya!
"Tama na yan, Bianca!"
"Ang sama mo kay, Yuri" Iba iba pa ang naririnig ko galing sa mga kaklase ko.
Tumayo ako. Nagulat naman si Bianca pero ngumisi agad.
Umiyak ako. Pinakita ko lahat sa kanila na mahina ako.
"Tama na! Ano bang problema mo sakin ha?! " Sigaw ko saka'nya at ramdam ko ang sakit sa aking puso at hindi na mapigil ang luha ko.
Narinig ko ang mahinang pag-ngisi niya at humikab na para bang boring ang mga pinagsasabi ko. Nakakasakit na talaga s'ya.
"Sobra na kayo. Nakakasakit na kayo sa damdamin ko. Okay lang sakin lahat na pinapahirapan niyo lang ako sa bahay, kahit na inalila niyo na ako. Okay lang" humahagulgol ako ng iyak at dinuduro siya. "Sobra na kayo. Kayo nalang ang tanging pamilya ko na masasandalan! Pero ginaganito niyo ako!" Napapikit ako sa pagsigaw.
Humikab na naman siya. "Are you done?" Bagot na tanong niya.
"Yes. I'm done." Pinunasan ko ang luha ko. s**t, nakakahiya.
Biglang pumasok yung guro namin at natuon agad ang tingin samin dahil sa nasa amin ang atensyon ng mga kaklase ko.
"Anong kaguluhan to?" Sigaw ni Ma'am.
Tinuro ng mga kaklase ko si Bianca na humihikab. "What?" Tanong niya.
Lumapit ako kay maam. "Pwede po ba akong ma-excuse?" Mahinang sabi ko sakanya at pinipilit kong ipigil ang luha. Pero patuloy parin ito sa umaagas.
Tumango naman si Ma’am at parang naawa sakin. Ngumiti naman ako ng mapait at lumabas para pumunta sa CR.
Mabuti nalang at class hours kaya walang estudyante dito. Feeling ko tatawanan lang nila ako dahil sa hitsura ko.
Dumaan muna ako sa locker at kinuha ang P.E uniform at pumasok sa CR para makapabihis.
Tumingin naman ako sa salamin. Medyo malalim na ang mata ko sa kakaiyak. ‘Laban lang, Yuri,’ bulong ko sa sarili ko.
Ilang minuto ako dun nakatunganga sa salamin at nagpasya nalang akong lumabas at pumunta sa garden kung saan ako tumatambay. Hindi nalang muna ako papasok. Hihingi nalang ako ng notes kay Felicity.
Umupo ako sa ilalim ng puno at binaon ko ang mukha ko sa tuhod.
Umiyak ulit ako. Pagmamahal ng magulang ang gusto ko ngayon. Gusto ko ulit maramdaman ang ganun.
"Palagi nalang kitang makitang umiiyak," may narinig akong boses sa kung saan.
Umangat naman ang tingin ko at naaninag ang mukha ni Renz. Lumapit naman siya sakin at tumabi kaya umisod ako ng 'onti.
Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha.
"I heard what happened. Okay ka lang?" Nag-alalang tanong niya.
"Opo," mahinang sabi ko at yumuko.
"Dapat sayo inaalagaan at itinituring na prinsesa" natatawang sabi niya.
Tumawa naman ako ng mahina sa sinasabi niya at pinahid ang luha ko na nasa aking mukha.
"Totoo." humarap ito sakin. Kaya napatingin ako sakaniya. Nakangiti ito.
"I like you, Yuri."