BINITIWAN na si Lucas ni Henry at hinawakan na ni Henry si Herrah sa braso. Lalong nakadama ng takot si Lucas na mawala si Herrah sa buhay niya at iwan siya nito kaya napaluhod na siya at niyakap sa tuhod si Herrah. "No please, Herrah. Mahal, don't leave me," naiyak niyang pakiusap sa asawa. Kahit nandoon ang mga kaibigan niya. Kahit nakakahiya at magmukha na siyang kaawa-awa ay wala siyang pakialam, gagawin niyang lumuhod pa rin kay Herrah 'wag lang siyang iwan nito. "Lucas, bitawan mo na ako," pakiusap ni Herrah. "No! Ayoko! Ayoko Herrah! Mahal kita, mahal na mahal at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Please don't leave me." "Ano ba! Bitawan mo nga kapatid ko!" sigaw na naman ni Henry at naramdaman niya na lang na sinipa siya nito sa tagiliran kaya nabitawan niya ang pagkakayak

