ISANG buwan na si Herrah, na naninirahan sa bahay ni Lucas. Magaling na siya at malakas, kaya palihim niyang inayos ang mga damit na dadalhin niya para layasan ang asawa. Siguradong magugulat ang pamilya niya sa biglang pag-uwi niya dahil sa isang buwan na pamamalagi niya roon, ay nagsinungaling siya sa mga ito. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya. Mahal na mahal siya ng pamilya niya at alam niya na masasaktan ang mga ito nang sobra 'pag nalaman nila ang katotohanan. "Mahal, papasok muna ako."paalam ni Lucas sa kanya habang inaayos ang sarili, "magpahinga ka na muna rito, sandali lang naman ako mga tatlong-oras, tapos uuwi kaagad ako. Si yaya na muna bahala sayo," bilin sa kanya nito habang inaayos na ang necktie at nasa kwarto nila. Magkasama na sila sa kwarto, simula nang lumip

