MAAYOS na ang pagsasama nila ni Lucas kaya masaya na si Herrah, dahil kahit paano nagbago na si Lucas at naging malambing na asawa at suportado na asawa na ito. Ipinangako niya sa sarili niya na hindi na siya gagawa ng bagay na ikakagalit nito at sa oras na manganak na siya magiging matapat na siya kay Lucas. Hindi na siya maglilihim pa s asawa. "Mahal," tawag sa kanya ni Lucas, nang umagang iyon na ikinangiti niya. Nasa kusina kasi siya at nagluluto. Iyon na ang laging endearment nito sa kanya at hindi na nabago pa, simula nang may mangyari sa kanila. "Oh, bakit mahal?" tanong niya rito. "Punta lang ako sa office ngayon, ha. May importante raw kasing kliyente na gustong makipag-meeting sa akin, ngayon tanghali." "Sige mahal, mag-ingat ka." Ngumiti ito at hinalikan siya sa labi na ik

