Chapter 1 (2)

1283 Words
"ALAM mo bang private property ito at bawal ang ginagawa mong pagpitas ng mangga basta-basta!” sabi pa ng tumawag ng Kuya kay Lucas at sa boses pa lang nito ay halatang matapang na babae ito na handang ipaglaban ang lugar na ito. Hindi niya ito pinansin at binalatan pa niya ang hinog na mangga na hawak bilang pang-aasar dito. Napangiti pa siya nang marinig niya ang pagsinghap nito at mukhang nagulat pa ito sa ginawa niya. "Ang tigas ng ulo mo! Dapat -- "Miss, I am one of Zandulga's sons and you don't need to worry- Napahinto rin siya sa sasabihin sana nang makaharap ang babaeng sumita sa kanya pati ang hawak niyang mangga ay nabitawan niya. Namilog naman ang mga mata nito nang makita siya. "Cas?” puno ng emosyong tawag nito sa kanya at mabilis siyang niyakap nito, "Cas! Mabuti at bumalik ka na. Ang tagal mo ring hindi bumalik dito, almost fifteen-years. Bakit naman ang tagal tagal mo?” Bahagya niya itong itinulak at bumahid ang pagtataka sa mukha nito. "Miss, I think you got the wrong person. I'm not Cas, my name is Lucas. So, please don't call me that name!” matigas niyang tugon sa babae. "C-cas, hindi mo na ba ako natatandaan? Ako ito si Herrah- "I don't know who you are! And please, call me Lucas!” Matapos sabihin iyon ay kaagad niyang tinalikuran ang babae at naglakad paalis. "Cas, wait!" narinig niyang sigaw nito. Mabilis na siyang naglakad at sumakay sa kotse. Nakahabol pa ito at kinatok ang glass window ng kotse niya pero ini-start niya na kaagad ang kotse at pinaandar na ito. Nakita pa niyang nakatingin ang dalaga sa paglayo ng kotse at puno ng lungkot sa mukha nito. "Oh, anak, saan ka ba nanggaling?" salubong tanong sa kanya ni Mom nang dumating siya sa bahay. "Naglakad-lakad lang, Mom, tinignan ko ang pagbabago sa farm natin at nagpunta ako sa prutasan." "Mabuti naman at napasyalan mo iyon? Alam mo bang magaling ang napili ng Dad mong Agriculture ng prutasan at napaka-responsible,” nakangiting sabi ni Mom. "Really, Mom?" iyon na lang nasabi niya dahil gumugulo pa rin sa utak niya ang babae sa prutasan kanina. "Oo. Naka-graduate kasi siya ng Agriculture kaya madaming alam sa halaman kaya siya na rin ang kinuha ng Dad mo total naman noon pa man ay mapagkakatiwalaan na natin ang pamilya nila." Napatingin na siya sa ina at may ngiti ito sa labi nito. "Si Herrah, anak, siya ang isa sa mga tauhan natin at nag-aalaga ng farm natin,” anito. "Herrah? Mom, she's sound familiar," tugon niya. "Iho- "Mom, did you cook my favorite ulam?" excited na tanong niya sa ina at pag-iiba na rin niya sa usapan. Bumuntong hininga ang Mom niya at ukhang nahalata na ayaw niyang pag-usapan ang Herrah na iyon. "Oo, anak, you want to eat?" tanong na lang sa kanya ng ina. "Yes Mom." Nagpalinga-linga siya na wari'y may hinahanap. "Where's Dad?” tanong niya nang mapansin na wala sa paligid ang ama. "He's coming. Kasama na niya Kuya mo. Antayin na lang natin sila before we eat." "Okay, Mom, punta lang ako sa kwarto at magpapalit ng damit." "Sige." Napaupo siya sa kama nang makarating siya sa kwarto niya. Napabuntong hininga siya at naalala ang babaeng yumakap sa kanya kanina. "Nandito pa pala siya hanggang ngayon." Tumayo at lumapit siya sa drawer niya para kunin ang photo frame na itinago niya kanina. Napatitig siya sa batang babaeng kasama niya. Ang saya-saya nitong nakangiti at nakaakbay ang maliit na siya sa balikat nito. "Ang tagal na rin, Herrah, pero lahat sa akin ay nagbago na, and I'm not your Cas, anymore!” "I change a lot. And it's because of you, Herrah!” "HOY Rang, anong nangyari sayo? Bakit tulalay ka diyan?" untag kay Herrah ng ate Lirah niya, nang makita siya nito sa labas ng bahay at nakatulala na nakatingin sa malayo. Kambal niya si Lirah pero ilang minuto itong matanda sa kanya kaya pinalaki silang magkapatid na dapat ate ang itawag niya kay Lirah, kahit ilang minuto lang ang tanda nito at siya ang bunso sa kanilang magkakapatid. "Ate. Si Cas," puno ng emosyong sabi niya. Sa totoo lang, gusto niyang maiyak simula pa kanina nang makita niya ito. Akala niya hindi na sila magkikita, akala niya hindi na ito babalik pa. "Ano na naman 'yan? Rang, fifteen years ng wala rito si Cas, pwede ba kalimutan mo na siya! Nagmumukha ka lang tanga kaaantay sa lalaking 'yon, eh!" may bahid ng inis na sabi ni Lirah. "Pero bumalik na siya, ate. Nakita mismo ng dalawang mata ko, nayakap ko siya mismo at narinig ang boses niya." Nanlaki ang mfa mata ni Lirah, sa gulat at iniharap pa siya nito. "Totoo Rang? Hindi ka lang nananaginip? "Oo ate Lirah, totoong-totoo." "Nag usap ba kayo? Anong sabi niya sayo? Ikakasal na ba kayo? Umiling siya at napabuntong hininga. "Hindi niya ako matandaan ate. Sabi pa niya hindi raw Cas, ang pangalan niya kundi Lucas." "Cas, Lucas? Magkatunog naman ang dulo ng pangalan niya sa Cas, ah? Arte pa siya! "Ate," mahinahon niyang sita kay Lirah. "Oo na! Seryoso masyado. Eh, anong magagawa mo eh 'yon ang sinabi niya, hindi ka na niya siguro talaga matandaan. Sa tagal ba naman ng panahon, eh." "Gano'n na lang ba kadali iyon ate? "Eh, gano'n siya eh. Rich kid, anong magagawa natin, saka ilan taon sa abroad at Maynila 'yon maraming magagandang kadalagahan doon." "Pero nangako siya at nag-antay ako." " 'Yan ang sinasabi ko sayo Rang, na dapat noon pa man na nawalan na siya ng komyunikasyon sayo, dapat nag-move on ka na rin at tinutok mo sa iba ang nararamdaman mo, oh eh 'di sana pamilyadong tao ka na ngayon at masaya ka na sana. Hindi iyong nag-antay ka sa taong walang kasiguraduhan kong tutuparin ang pangako niya. At saka mga bata pa kayo noon, talagang hindi niya seseryosohin ang pangako niya sayo." "Anong gagawin ko, ate?" naiiyak na niyang tanong dito. Nakita niya ang awa sa mga mata ni Lirah sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Sige, kokonsintihin pa rin kita ngayon. Ayoko naman na makita kang nalulungkot, dahil lang sa lalaking iyon. Subukan mo siya ulit kausapin at ipaalala mo na, dati kayong malapit na magkaibigan. Unti-untiin mo lang, pag naalala ka na niya at naging malapit na siya sayo, saka mo na unti-unting ipaalala ang nakaraan niyong relasyon at pati ang pangako niya sayo. Marahil naman, kahit paano eh, may maramdaman pa siya sayo. Pero, Herrah! Parang nahigit ang hininga niya sa pagputol ni Lirah, sa sasabihin pa nito. " 'Wag kang aasa na magbabalik sa inyo ang dati ha, nang hindi ka na masaktan pa. At isa pa pag talagang wala ng pag asa, kalimutan mo na siya at tumingin ka na sa iba. Napakaraming kabinataan dito, na hindi ka paaasahin nang matagal at mamahalin ka ng tunay kagaya na lang ni Andrew, matagal ng nagpaparamdam sayo iyon, mga bata pa lang tayo 'di ba? "S-sige ate," payag niya na lang. Kahit sa totoo tumututol ang puso niya dahil wala namang ibang tinitibok ang puso niya kundi si Cas, lang at ito lang ang gusto niyang magmahal sa kanya wala ng iba. "Mabuti na ring bumalik si Cas, dito nang matapos na ang kahibangan mo at maging masaya ka na. Hindi man sa piling ni Cas, kundi sa ibang maaaring magpasaya sayo." Sabi pa rin ng ate niya at niyakap siya nito, ginantihan naman niya ito nang mahigpit ring yakap. "Salamat ate, sa laging pag suporta sa akin." "Eh, sino pa ba magsusuportahan, tayo-tayo lang naman, eh." "Salamat, ate. I love you." "I love you too, Rang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD