"Hindi makatulog si Shantal si Carlos ang laman ng kanyang isip, miss na miss niya na ito, nagdasal siya na sana umuwi si Carlos at magkausap sila nang maayos. Lumabas siya sa balcony at nag-isip naalala niya ang babae sa dalampasigan tinawag siyang Nathalie. Humiga si Shantal sa upuan at hinayaan niya ang kanyang utak na mag-isip sa kanyang mga nakaraan. Masaklap lang dahil walang pumasok sa kanyang isip. Nakatulog si Nathalie sa balcony nararamdaman niya na may humaplos sa mukha niya. Kaya umiktad siya nang bangun. Nakita niya si Carlos sa kanyang harapan. "Carlos? ikaw ba 'yan? nagbalik ka na?" niyakap ni Carlos si Nathalie nang sobrang higpit at hinalikan niya ito sa pisngi. "Carlos bakit ka umalis? bakit mo kami iniwan ni lola?" tanong ni Shantal tumulo na rin ang kanyang mga luha.

