Nataranta si Victoria kaya tinawagan niya si Miguel para kausapin si Nathalie, nakita niya kasing nagliligpit ng mga gamit si Nathalie nag-aalala siya na baka aalis ito, at ano pa ang mangyayari sa kaniya at sa bata. Nag aalala si Miguel kaya nagmadali itong pinuntahan si Nathalie. Pagdating niya tamang-tama pababa na si Nathalie sa hagdanan, nagulat si Nathalie nang biglang pumasok si Miguel. "Nathalie saan ka pupunta? huwag ka nang umalis." Saad ni Miguel pero tinulak siya ni Nathalie. "Wala ka nang pakialam kung aalis ako! umalis ka sa harapan ko! ayaw na kitang makita!" singhal ni Nathalie. "Nathalie nasa pangalan mo na ulit ang bahay at ang kotse sa 'yo na ulit binalik ko na sa inyo! huwag ka nang umalis dito ka na lang dahil alam kong safe kayo dito. Kung aalis ka saan ka pupunta

