"Mommy nasa America ba talaga si ate Vanessa? miss na miss ko na siya mommy eh. Bakit ang tagal niya naman bumalik dito sa pilipinas?" tanong ni Ellaine sa kanyang mommy. "Ellaine, huwag mo nang isipin ang ate mo, hayaan mo na siya sa mga ginagawa niya matanda na siya at may sarili na siyang pag-iisip ikaw saan ka ba nagtatrabaho?" tanong nang mommy niya. "Mommy, sa Company nila ni Nathalie gusto kung makapasok sa buhay nila alam mo naman siguro na nasasaktan si ate Vanessa dahil sa mag-asawa na 'yon." Seryosong turan ni Ellaine. "Ellaine, bakit ba kailangan mong pasukin ang buhay ng mag-asawang 'yon alam mo naman na naghiwalay na si Vanessa at si Miguel, umalis kana huwag mo nang dagdagan ang problema ko sa inyo. Tatlo na kayong pasaway ang daddy mo, si Vanessa at ngayon gusto mo pa na

