Nagising si Miguel na hubo't hubad nagtataka siya dahil hindi familiar sa kaniya ang kamang hinihigaan niya. Nagmamadali siyang tumayo at hinanap niya si Nathie. Medyo nahihilo pa siya at mayroong band aid ang kaniyang ulo. Naalala niya habang papunta siya sa restaurant kung saan ang tagpuan nila ni Nathalie ay biglang hinaharangan ang kaniyang kotse. Bumaba siya sa sasakyan para magtanong kung ano ang pakay ng mga taong 'yon pero biglang hinampas ang kaniyang ulo. At nawala na siya ng ulirat. "Nasaan ako? si Nathalie nasaan na siya? oh my god! hindi ko siya napuntahan sa restaurant kung saan kami mag-dinner date. Biglang bumukas ang pinto at mukha ni Vanessa ang kaniyang nakikita. "Anong ginawa mo sa akin Vanessa? nasaan ang asawa ko?" sunod-sunod na Tanong ni Miguel. "Relax Miguel,

