Nakahanda na ang lahat at nakabihis na rin si sina Nathie at Nathan, bandang alas-singko nang hapon magsimula ang kanilang engagement party. Dumating na rin sina Miguel, Vanessa at ang anak nila na si Lester. Samantalang papunta pa lang ang mga magulang ni Nathalie, medyo ma-traffic kasi ang kalsada kaya medyo natagalan sila. Dumating na rin si Carlos pero nagmamasid lang ito sa paligid, binabantayan niya ang bawat galaw ni Vanessa na nagpapanggap na Nathalie. Alam ni Carlos na galit si Vanessa sa kanya dahil hindi na siya nagpakita, ayaw niya nang makipag ugnayan kay Vanessa ang tanging gusto niya lang ay mabigyang ng katarungan si Nathaliie at maibalik ito sa tunay nitong pamilya. Nakita ni Carlos na may dumating na mga bisita lumabas si Miguel at sinalobong niya ang mga ito. Humalik

