"Nathalie bakit ba nagkaganyan ka? hindi na kita maintindihan, isa ka nang skandalusa ka-ugali mo na si Vanessa! mula nang bumalik ka ibang -iba ka na hindi na ikaw ang Nathalie na masayahin, malambing, at naughty. Ibang-iba ka sa dating Nathalie! sabihin mo nga sa akin ano ba ang ginawa ni Vanessa sa 'yo bakit nagkaganyan ang ugali mo? nahawaan ka na sa pagkabastos ng babaeng 'yon!" sigaw ni Miguel kay Nathalie galit na galit si Nathalie sa kanyang narinig lumapit siya kay Miguel at sinampal niya ito sa mukha. Nagulat si Miguel sa ginawa ni Nathalie tinititigan niya si Nathalie sa mga mata nito pero nagulat siya nang hindi ang mga mata ni Nathalie ang kanyang nakikita kung 'di ang mga mata ni Vanessa. "Nahawaan ka nga kay Vanessa Nathalie mapanakit ka na at walang ibang iniisip kung 'di

