ONE YEAR LATER. . . Isang taon na ang nakalipas wala pa rin idea si Miguel kung saan naroroon ang kaniyang mag-ina. Hindi na rin nagpakita si Vanessa sa kaniya mula noong nakatakas siya sa mga kamay nito hinahanap na nang mga police at mga NBI si Vanessa, pero hindi nila ito natagpuan si Nathalie naman ginawa na nila ang lahat-lahat ngunit hindi pa rin nila ito natagpuan dahil sa nangyari na paralyzed ang mommy ni Nathalie at hindi na ito nakakalakad, ang mommy naman ni Miguel nagkasakit na rin dahil sa pagpupuyat, hindi ito makatulog sa kakaisip kung ano na ang nangyari kay Nathalie at sa kanilang apo. "Mommy nakainom ka na ba ng gamot?" tanong ni Miguel sa kanyang ina. "Anak kumusta ang paghahanap ninyo kay Nathalie? mababaliw na ako kailangan na natin silang mahanap kung buhay man s

