Chapter 4
Mabilis na lumipas ang panahon, June na at malapit na magstart ang klase.
Kami naman ni Master Rob ay masasabi kong okay na okay na kami. Minsan masungit pa din pero masasabi kong tinuturing na naming kaibigan ang isa-t-isa. Siguro nga tama ako, gusto nila Sir Robert na magkaroon ng makakasama si Master Rob. Natutuwa nga si Manang Gilda sa akin kasi hindi daw nya akalain na magiging ganito kami ni Master Rob. Dahil tila naibalik ko daw ito sa dati. Hindi na siya suplado at nakikipag-usap na din sa mga iba pang kasama sa bahay.
Enrolled na kami. Nakakaamaze kasi kumpleto din ako sa gamit, mula sa notebooks, ballpen hanggang sa sapatos at uniform. Ang ganda pa ng bag ko, branded. First time kong magkaroon ng ganito at sobra akong nagpapasalamat sa mga amo ko. Si Master Rob naman ay hindi daw gaanong excited, irregular daw kasi sya. Gusto nga sana nya na magkaklase kami pero parang tinatamad daw siyang itake uli ang mga basic subjects.
"Hoy, pangit!" Psh. Si Master Rob yan. Yan na ang nakasanayan nyang tawag sa akin. Isang beses pa lang nya yata ako natawag sa pangalan ko. Napakamaldito pa din.
"Long ride tayo. Punta tayo sa inyo, gusto mo? Diba sa Quezon lang kayo at hindi naman tawid dagat?" Aba! Himala nagyaya. Pero pabor naman sakin ang idea nya dahil matagal na akong hindi nakakauwi. Sumang-ayon ako at naghanda na. Magpapadala pa naman sana ako sa kanila ng pera pero dahil pupunta kami, personal ko na lang iyon na iaabot. At saka maaga pa kaya baka mga tanghali ay nandoon na kami.
Nagbiyahe na kami gamit ang kotse nya. Dumaan kami sa 7/11 para bumili ng snacks and drinks.
"May crush ka ba doon sa inyo?" Napatingin ako kay Master Rob. Ano ba namang tanong iyan! Nahiya tuloy ako, kasi aasarin nanaman ako nito kung sasabihin kong meron. Pero sa totoo lang ay wala. Wala na.
"Meron." Sagot ko. Nagulat naman si Master Rob sa sagot ko. At tumawa ng malakas.
"Kaya pala pumayag ka agad ha! Hmm.." sabi na eh, aasarin nya lang ako.
"Meron noon. Pero wala na sila doon, matagal na. Kaya kung aasarin mo lang ako, wag mo na ituloy kasi wala ka din naman mapapala."
Tumawa pa uli si Master Rob. Halatang hindi naniniwala sa sagot ko. Bahala nga sya, basta nagsasabi lang ako ng totoo.
Actually, bata pa ako noon. Puppy love lang. Kapag naaalala ko nga iyon, natatawa na lang ako kasi isang linggong pag-ibig lang yun eh. May nakilala ako na batang lalake na medyo mas matanda sa akin. Tapos naging magkaibigan kami. Halatang may kaya sila kasi inienglish ako nun eh, ako naman natatawa sa kanya kasi di ko sya maintindihan. Tapos nung paalis na sila, nagtago sya sa bahay namin at doon pa natulog. Pinaghahanap na sya sa buong magdamag kasama ang Kapitan namin nang mahuli kami ng tatay ko na kasama sya. Kaya ang ginawa ng tatay ko ay sinurrender ang kalaro ko sa magulang nya. Iyak kami ng iyak noon, kasi ayaw namin maghiwalay. Para lang matigil kami ay nagsabi ang daddy nya na babalik din daw sila agad. Pero lumaki na lang ako at nagdalaga, ni anino nya ay hindi ko na uli nakita.
Tama nga ako, tanghali kami nakarating doon. Gulat na gulat sila nanay at tatay sa pagdating ko kasama si Master Rob. Nagsitakbuhan naman ang mga bata kong kapatid sa akin at nagsiyakap. Ang kuya ko naman ay abala din sa ginagawa nya. Nagmano ako sa magulang ko ganun na din si Master Rob. Pinakilala ko ito sa kanila. Nagulat pa nga sila dahil hindi nila akalaing matanda pa sa akin ang sinasabi kong alaga ko kapag tumatawag ako sa kanila sa cellphone.
"Akala ko naman anak ay nobyo mo itong si Sir Rob." Sabi ni nanay.
Nagkatinginan naman kami ni Master Rob at natawa ng bahagya sa narinig.
"Naku nay, Rob na lang po. Wag nyo na po ako tawaging 'Sir'." Sabi ni Master Rob na kakamot-kamot pa sa ulo nya.
Nagtanghalian na kami. Nagustuhan naman ni Master Rob ang masarap na luto ni Nanay na sinampalukang manok. Nakipaglaro pa siya sa mga maliliit kong kapatid. Inutusan pa ni Tatay si kuya na kuhanan kami ng buko para makatikim ng fresh buko juice at nang may maiuwi kami sa Maynila. Ginawa naman agad ito ni Kuya.
Nagbiyak na si kuya ng buko at ininum namin ang sabaw. Nang maubos ay kinuha ko ang itak at binuksan ang buko. Nagtapyas pa ako ng konti sa balat ng buko at gumawa ng kutsara pangkuha ng malambot na laman ng buko. Binigay ko na iyon kay Master Rob at nagbukas pa ako ng iba. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay napansin kong hindi pa din ginagalaw ni Master Rob ang binigay ko sa kanya.
"Oh? Bakit di mo pa iyan kinakain?" Takang tanong ko sa kanya.
"Ikaw muna. Baka may lason eh."
"Sus! Kunwari ka pa Master Rob, di mo lang alam kung paano eh. Ganito oh."
Gamit ang maliit na tapyas ng buko na ginawa ko bilang kutsara ay sinandok ko ang laman ng buko. At sinubo ko sa kanya. Napanganga naman agad sya at nakain ang laman ng buko. Kinadkad ko ito ng kinadkad hanggang maubos.
"Ang sarap no?" Sabi ko sa kanya habang nakaready na ang isang kabiyak ng buko para ipakain ko uli kay Master Rob.
"Patry nga din ako. Give it to me." Sabi nya. Binigay ko naman agad sa kanya ang kalahati ng buko. At isinubo nya sa akin ang nakuha nyang laman. At di ko namamalayan na ubos na din pala ito. Nagulat kasi ako sa ginawa nya. Nakakaloka. Nag-iinit ang mukha ko. Bumibilis ang t***k ng puso ko.
Bumalik lang ako sa ulirat ng dumating si tatay at nakipagkwentuhan sa amin.
"Talaga ba, iho? Anak ka ni Sir Robert Herrera?!" Gulat na sabi ni Tatay. Hindi ko naman kasi nasasabi sa kanila ang pangalan ng amo ko kaya walang ideya ang pamilya ko sa identity nila.
"Opo. Kilala nyo po ba siya?" Takang tanong ni Master Rob.
"Aba'y oo! Hindi mo na ba matandaan?"
Nagtataka na din kami ni Master Rob ng biglang sumingit si Nanay. Pinagbalot nya kami ng ulam na sinampalucang manok at ang matamis nyang gawa na bocayo. Nagpaalam kasi kami na aalis na kami ng bandang alas tres ng hapon dahil baka gabihin kami ng husto sa pag-uwi. Inabot ko na agad ang allowance na ipapadala ko sana sa Palawan Express. Nagbukas din ng wallet si Master Rob at binigyan ng tig500 ang maliliit kong kapatid at 1000 naman kay Kuya, Nanay at Tatay.
"Ang bait ng amo ko, tatay at nanay noh? Kaya huwag na po kayong mag-alala." Sabi ko sa kanila para mapanatag ang loob nila. Lalo si Nanay, kasi ba naman baka daw nobyo ko na itong si Master Rob. Kung alam lang ni Nanay na hindi mangyayare yun dahil jusmiyo naman ang buhay namin sa buhay nila. At syempre, tatanda na yatang binata itong si Master Rob dahil napakadakila ng pag-ibig nya sa girlfriend nya noon.
Inabot na nga kami ng gabi ay nasa along Rizal pa lang kami. Natulog na lang ako sa biyahe. At nung magising ako ay sinabihan ako ni Master Rob na huwag ko na daw syang tutulugan dahil inaantok na din daw sya at wala daw syang kakwentuhan.
Napakalaki na talaga ng pagbabago ni Master Rob. Ang dating walang pakialam sa paligid at laging tahimik, ngayon ay napakadaldal na. Naipon na siguro ang mga gusto nyang ikwento na hindi nya nasasabi sa iba.
"Alam mo, parang may napansin ako sa iyo kanina?" Sabi nya sa akin. Nagtaka naman ako. Ano nanaman iyon?
"Alam mo Master Rob, ang dami mo pong napapansin. Ano ba yun?" Pambara ko sa kanya. Ganyan naman ako talaga makipag-usap sa kanya. Parang kaibigan lang.
"Huwag na nga." Sabi lang nito habang nakangiti at nakafocus sa pagmamaneho. Ang gwapo!
"Ngiting aso ka po, alam mo yun?" Pang-aasar ko uli sa kanya. "Ano nga kasi ang napansin mo?"
"Talaga lang ha! Mukhang aso pa ako sa lagay na iyan pero nagbablush ka naman kanina." Sabay tawa ni Master Rob.
Nag-init uli ang mukha ko. Yun siguro yung sinubuan nya ako ng buko. Halaa! Napansin nya pala yun? Nakakahiya naman!
"Luh!? Asa ka, Master!" Pagdedeny ko. Tinawanan nya lang uli ako. Nag act ako na matutulog na para matigil sya. Ayaw nya na kasi akong patulugin uli eh. "Makatulog na nga lang uli. Bahala ka na diyan, Master!".
"Matutulog ka o kikilitiin kita?" Sagot naman nya. Napatakip naman ako ng mukha dahil natatawa ako na kinikilig?
Umayos na uli ako ng upo. Kanina ko pa kasi sinasabi na kung gusto nya ay ako naman ang magdrive. Marunong kasi ako magdrive pero very light lang. At kung papayag sya ay after ilang months, ngayon na lang uli ako makakaranas kaya nakakakaba din kung papayag si Master Rob. Umalma naman sya dahil baka mabangga lang kami.
"Ang saya pala sa probinsya no? Wherein life is so simple, peace and quiet. Ang sasarap pa ng pagkain." Manghang-mangha nyang sabi. Isang malaking check. At speaking of pagkain, dinukot ko ang bocayo na gawa ni Nanay. Kinuha ko iyon at kinain.
"Pahingi!" Sigaw naman ni Master Rob. Sinubuan ko naman sya at nakagat nya ang. daliri ko.
"Aray naman, Master Rob! Daliri ko na iyan hindi bocayo." Pagrereklamo ko.
"Ano ba yan! Kaya pala lasang kamay." Balik nya sa akin. Napakakulit na talaga nitong si Master Rob.
Naubos na namin ang bocayo at nasa Pasig pa lang kami. Kinuha ko ang earphones ko at nakinig ng music. Pinatugtog ko ang kantang Di ko na kaya by Faith Cuneta. Yung OST ng endless love. Favorite ko kasi iyon noong bata pa ako. Noong una ay naghu-hum lang ako hanggang sa napapakanta na ako with lyrics.
"Di ko na kaya pang ilihim
Nasasaktan lang ako
Sa 'king pag-iisa, hinahanap ka
CHORUS
'Di ko kailangan ng kayamanan
Puso mo ang tangi kong inaasam
Hindi ko kayang ikaw ay malayo
Mawalay ka sa piling ko" biglang kinuha ni Master Rob ang isa kong earphone. Nagsheshare na kami ngayon ng earphones.
"Parang ang lungkot naman ng kanta. Pero maganda sya ha kahit luma na." Comment nya. Kaya ko nga ito favorite eh kasi maganda talaga lalo na yung korean series na iyon.
Nang matapos ang kanta na nauna, ang next na tumugtog ay Friend of mine. Nakakahiya nga eh kasi nalalaman tuloy nyang mahilig ako sa medyo luma nang kanta.
Pero nagulat ako nung sinasabayan nya rin ito. Edi nakiduet na rin ako. Ang saya lang kasi nagkakantahan kami habang nasa kotse. Nakakawala ng antok.
"You tell me things I've never known
I've shown you love you've never shown
But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
I listen very eagerly
But deep inside you'll never see
This feeling of emptiness
It makes me feel sad
But then again I'm glad"
Marami pa kaming napatugtog hanggang sa makarating na kami sa Mansyon. Tulad ng dati ay sinalubong kami ni Mar at Jun. Si Jun ang nagparada ng sasakyan at si Mar naman ang nagbitbit ng gamit namin. Inakbayan ako ni Master Rob habang naglalakad kami papasok ng pinto. Hindi na bago sa akin iyon, dahil madalas na talaga nya akong akbayan mula ng maging close kami. Pero bakit parang may halong kilig na ngayon? Bakit noon hindi naman ganito ang nararamdaman ko?
Pagbukas ng pinto ay bumungad sa amin sina Sir Robert at Maam Sigrid at may kasama pa ito, na dalawang babae. Isang matanda at isang dalagita na sa tingin ko ay kaedaran ko lang. Tila gulat na gulat sila nang makita nila kami habang nakaakbay sa akin si Master Rob. Sa tagal kasi nilang nakauwi, marami nang nagbago sa anak nila. Tinatanggal ko ang kamay ni Master Rob sa balikat ko pero binabalik nya lang din. Bumulong ako sa kanya, "Hindi mo man lang ba sasalubungin ng yakap at halik ang magulang mo? Matagal din silang nawala ah." Palusot ko lang sa kanya kasi baka mamaya iba ang isipin nya nung tinatanggal ko ang kamay nya sa balikat ko.
Nang makalapit sa kanila ay agad na yumakap si Maam Sigrid kay Master Rob. At tinapik naman ni Sir Robert ang anak sa balikat. Nasa gilid lang ako at nakita ko naman na nakatingin sa akin ang dalagita na may kasama. Siguro ay nanay niya ito. Inirapan lang ako ng dalagita nung magtama ang mga mata namin. Aba! Napakamaldita. Hindi ko naman ito inaano pero minamalditahan na agad ako.
"Buti dumating na kayo. Oo nga pala, son. Kasama namin ang Tita Clarissa mo, my friend with her daughter Chelsea." Pagpapakilala ni Maam Sigrid ng mga bisita nito sa kanyang anak. "And Clarissa, this is Lia. She's the personal maid of my son." Sabay tingin sa akin ni Maam Sigrid.
"Oh.. I see." Sagot naman nung Clarissa. Oh so Chelsea pala ang pangalan ng malditang nang-irap sa akin.
"Have you had dinner yet, my son?" Tanong ni Maam Sigrid kay Master Rob.
"Not yet, mom. Pero busog pa kami ni Lia. Diba panget? Ay, Lia. Baka hindi na din kami magdinner. Because we went to Quezon and maraming pinakain sa amin, so we were still full." Sagot ni Master Rob. Teka teka parang may mali. May napapansin ako. Bakit parang todo iwas si Master Rob? Bakit kaya?