Chapter 25 Pabalik na kami ngayon sa Manila. Ang bilis ng dalawang linggo. Nakakamiss na agad sa probinsya. Hindi talaga nawala ang tsismis tungkol sa amin. May ibang positive may ibang negative pero deadma na lang. Nagawa pa naming maligo sa ilog doon at mamasyal bago kami umuwi. Naranasan din ni Rob na maglinis ng isda at magtinda sa palengke. Lumakas nga lalo ang benta noong nandun sya dahil maraming napopogian sa kanya. Magkahawak kamay kami habang nagdidrive sya at pakanta-kanta lang kami. Kapay may nakakakilig na lyrics sa kanta ay titingin siya sa akin at hahalikan ang kamay ko. Hanggang sa nakarating na kami sa wakas sa mansyon. Tinanggal ko na ang seatbelt at akmang bubuksan ko na ang pinto ng hawakan niya ako sa braso. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Kahit anong mangy

