Chapter 13

1256 Words
KUMABOG ang dibdib niya. Hindi kaagad siya nakakilos. Parang isang mabigat na impormasyon ang presensiya nito at hindi niya agad maproseso. Kelan ba noong huli niyang makita ang ina ng binata? Noon pa yatang 18th birthday niya. Ano kaya ang dahilan ng pagpunta nito? "Bakit daw?" tanong niya kay Stephano. "I don't know. Why don't you ask her instead?" balik-tanong sa kanya ni Stephano. Nag-isip siya ng rason kung bakit napasadya ang ginang sa opisina. Naputol din ang malalim niyang pag-iisip dahil sa biglang pagsinghap ni Stella. "Maybe she heard about what happened at the party?" bulalas ni Stella. Nanigas siya. Lalong kumabog ang dibdib niya sa possibility ng sinabi ni Stella. Paano kung dahil nga roon? Tumikhim si Stephano. Napatingin siya rito. "She's waiting, Savannah. Hindi mo naman gustong paghintayin ang mother-in-law mo," makahulugan nitong paalala. Gusto niyang tapalan ng duck tape ang bunganga ng lalaki. Mas tumaas kasi ang nerbyos niya nang marinig ang mother-in-law. "S-send. . .her in," nag-aalangan niya pang sagot. Kaagad na tumalima ang lalaki. Naupo siya sa sofa at tahimik na hinintay ang pagpasok ng ginang. Napalunok siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. "I should go. Kitakits na lang sa susunod, Savannah. Bye-bye!" mabilis na paalam ni Stella. Tumayo ito at nagmamadaling kinuha ang bag saka tumalilis nang alis. Kahit parang na-stroke ang leeg niya, nag-angat siya ng tingin sa babaeng nasa kanyang harap. Mrs. Amelie Forfax "Savannah," magiliw at mahinhing tawag ng ginang sa kanya. Hindi kaagad siya nakagalaw nang makita ang maliit ngunit totoong ngiti sa mga labi ng ginang. Ang kulay asul na mga mata nito ay nangingislap habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siyang tumayo nang magising ang saglit na naglakbay na diwa. "Mrs. Forfax," bati niya. Lihim siyang napangiwi dahil naging pormal ang dating niyon. "U-upo muna po kayo." Muling ngumiti ang mama ni Alessandro saka nagtungo sa sofa at naupo. Hindi niya naiwasang suriin ang ginang. Bagama't singkwenta anyos na ito. Maganda pa rin at mukhang bata ang ina ng binata. Kung hindi dahil sa visible wrinkles sa mga mata nito wala talagang makakaalam na nasa fifty na ang ginang. "Ahm. . ." Savannah cleared her throat. "Do you want tea, juice or coffee? I'll tell my secretary to bring one." "Oh! No need, anak! Uuwi rin ako. Dumaan lang ako rito dahil  may sasabihin ako sa 'yo," tanggi nito. Nanigas ang mga tuhod niya sa itinawag ng ginang sa kanya. Lahat ng atensyon niya ay napunta roon kaya hindi na niya nausisa ang dahilan ng pagpunta nito. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya dahil sa tinawag ng ginang. "Are you okay, Savannah?" untag ng mama ni Alessandro. Ilang ulit siyang napakurap bago naupo. "Y-yes, po." "How are you, Savannah? Ilang taon din simula nang huli kitang makita. I can't believe you've grown already. Parang noon lang ay dalagita ka pa," komento ng ginang. "Nagtatago ka pa noon sa binata ko, 'tapos ngayon ay ikakasal na kayo." Hindi na niya na kontrol ang pag-init ng mga pisngi niya. Alam nito ang ginagawa niya noong pagtago kay Alessandro? Lihim siyang napamura. Ilang taon siyang kampante na walang nakakaalam no'n. Iyon pala ay meron, at mama pa ng binata! Galing, Savannah. Galing. "Sino'ng mag-aakala na magkakatotoo ang kahilingan namin ni Milana?" Natawa ito na parang may biglang naalala. "I really thought wala nang pag-asa noong nag-suggest ako sa mama mo na ipakasal ka kay Alessandro at tumanggi siya, but look at you two now, you two are getting married!" Pakiramdam niya biglang lumiit nang two times ang opisina niya. The thought of having two more people expecting their marriage was becoming too much for her. Ano na lang ang magiging reaksyon ng Mom niya at mama ni Alessandro kapag nagtagumpay siya sa plinaplano? "Hmm. . .before I forget, I'm planning to have a small dinner at the house. Kung hindi ka busy, 'nak, please come. I want to have a dinner with my soon to be daughter-in-law," nakangiting paanyaya nito. Hindi kaagad siya nakasagot. Gusto niyang tumanggi rito ngunit walang lumabas na salita sa bibig niya. She plans to avoid Alessandro for the meantime. Mukhang hindi na niya magagawa iyon. "Savannah? Anak?" muling untag ng ginang. May pag-alaala na sa mga mata nito. "It's okay kung hindi ka makakapunta. I understand that you're busy. We can still have dinner next time." Mabilis siyang umiling at ngumiti. "No. It's okay. Pupunta po ako." Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ng mama ni Alessandro. "Thank you, Savannah. Aasahan kita." Isang maliit na ngiti lang ang naisukli niya. Nagpaalam din kaagad ang ginang pagkasabi ng sadya nito. Nanghihinang tumungo at naupo siya sa sofa. *Can't I just not see him once so I can have my peace of mind back?* DREAD. It's the best objective she can use right now while standing in front of the mirror. She's wearing a nude maxi-dress na pinatungan niya ng black see-through jacket at black strap heels. Nakababa ang kulay brown at mahaba niyang buhok. Mag-iisang oras na yata siyang nakatayo roon. Kapag nagtagal pa siya siguradong mahuhuli siya sa dinner. Pero kahit anong pilit niya, ayaw gumalaw ng mga paa niya. Para siyang tubig na nanigas sa tapat ng salamin. Marahas siyang napabuga ng hangin. "So what if he's there? Madali lang naman siyang iwasan. . ." *Talaga ba?* And now, she's talking to herself. Wala talagang magandang idudulot ang lalaking 'yon sa buhay niya. Kung hindi sana ito umakto nang ganoon noong huli silang nagkita, edi sana hindi siya naghe-hesitate ngayong pumunta. "Savannah! Tell me if you're still breathing, so I know which hospital to dump you at," sarkastiko at naiinip na sigaw ni Stephano harap labas ng kuwarto niya. Marahas siyang napabuga ng hangin bago lumabas ng kuwarto. Magkasalubong ang kilay na Stephano ang nabungaran niya. Hindi niya na lang pinansin at nilampasan ito. "Let's go," aniya. Muntik siyang mapatili nang pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Alessandro. Nasapo niya ang dibdib niya at handa na itong singhalan nang makita niya ang pagbaling ng seryosong mga mata nito sa kanyang likod. "Mr. Forfax," pormal na bati ni Stephano. Lihim siyang napalunok nang magtagal ang tingin ni Alessandro sa bodyguard niya. Ramdam niya ang mabilis na pagtaas ng tensyon sa paligid. Alessandro wasn't speaking but his presence was enough to make them feel that he's not in a good mood. For the first time, Savannah doesn't want to *defy* him. Natigilan siya nang maramdaman ang biglaang pagsakop ng mainit na palad ng binata sa kanyang braso. Marahan siya nitong hinila. Pinagsiklop nito ang kanilang mga daliri. Hindi siya makapagreklamo dahil sa mabigat nitong tingin sa kanilang dalawa ni Stephano. Wala tuloy siyang choice kung 'di tiisin ang pagkabog ng kanyang dibdib. "I'll take care of my wife from here. You can now go home," utos ni Alessandro. "H-he's my bodyguard!" protesta niya. "No, Savannah," matigas na saad nito. "Alessandro!" she hissed. "I said no." The man was now dead serious, she can't even mutter a protest anymore. Hindi na siya nakapagsalita nang hilain siya nito. Tahimik silang pareho nang pumasok sa elevator. "It's okay if you don't want me. . ." Her whole body turned rigid when he suddenly spoke. Malamig ang boses nito na ngayon niya na lang muling narinig. Malakas ang t***k ng puso niya, pero hindi na dahil sa kaba, kung 'di sa iba nang dahilan. "But don't let me see you letting another man into your home while you already loath me when I'm just in front of your door."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD