Chapter 110 PATUNGO AKO KAY ATE LOVELY dahil bibili ako ng kakanin. Namiss kona kasi kumain niyon kaya bibili ako. Hindi na kasi ako makakain no'n dahil palaging may baon si Kit kapag napunta sa tindahan. Alas syete na ng mga sandaling iyon kaya nagpaalam muna ako kay Tekla na bibili ng kakanin. Mamaya pa ata darating si Kit kaya bibili muna ako kasi nagugutom na ako. Paliko na ako patungo sa pwesto ni Ate Lovely ng may mamataan ako. Nagsalubong agad ang mga kilay ko kasabay ng pagngingitngit ng kalooban ko dahil sa nakita. Tumahip 'din ang dibdib ko dahil sa selos na nararamdaman ko. Si Kit habang nakikipaglandian sa babaeng hitad na 'yun. Letche! Hindi ko alam kung anong ginagawa niya do'n. Bulag na nga tapos nakikipagharutan pa sa iba tsk. Imbes na bumili ng kakanin ay bumalik ako

