Chapter 105 KANINA PA AKO HIKAB NG HIKAB dahil anong oras na kami naka-uwe. Peste kasi si Lalay binugaw ba naman ako sa pinsan niyang anak araw dahil subrang puti. May lahi kasi ang lalake, at gwapo naman kahit maputi. Pero ayaw ko ng gano'n kulay dahil parang na babaklaan ako. Mas okey pa ang kulay ng bebe ko, medyo tan ang kulay. Hindi talaga ako pinauwe kahit alas diyes na ng gabi. Kausapin ko daw muna ang pinsan niya at para daw magkakilala kami. Putek, dugo dugo ilong ko kagabi dahil puro english ang usapan tsk. Mabuti na lang marunong ako kahit papaano kaya nasasabayan ko siya. Pero kapag malalim na ang english niya ay ngumingiti na lang ako at tango para hindi mapahiya. Tapos medyo nalasing pa ako dahil panay ang inum namin. Wala na kami sa restaurant kundi nando'n sa condo na

