Chapter 120 NALASING NA SI THALIA SA DAMI ng nainum namin ni Kit dahil kasama ko siya'ng uminum at dalawa lang kami. Kaya naman ay nahiga ako sa kama ng makaramdam ng hilo habang nasa paanan ng kama si Kit. Doon siya naka-puwesto habang umiinum kaming dalawa. Siya kasi ang taga abot ng alak sakin habang nasa kama ako. Kapagkuwan ay naramdaman kung gumapang si Kit patungo sakin at dinaganan ako. " Lasing kana ba?" Tanong niya sakin sa baritonong boses. " Hmmm.. oo. Ang dami ko ata nainum." Sabi ko habang nas ilalim ako ni Kit at bulagta ako sa kama. " Ata? Marami ka talaga nainum baby. Nakailan can ka ng beer." Saad naman nito na may ngiti sa labi sabay habang nakatingin ang mga mata sakin. Pero hindi ko alam kung sa akin talaga. " Gusto ko makalimot eh. Kaya magwawalwal ako ngayun."

