Chapter 124 SABAY SABAY KAMING KUMAIN. Tanging si Thirdy lang ang wala dito dahil nasa school pa at mamaya pa ang uwe. " Ngayun nakauwe kana anak. Ikaw na lang ang magturo sa kapatid mo sa palengke." Napalingon ako sa ina. " Para naman matuto dahil magkakaroon na siya ng anak. Atsaka dito muna si Tutay sa bahay dahil maselan ang pagbubuntis niya. Babalik naman siya sa dati niyang bahay kapag okey na siya. Alam ko galit ka dahil mabilis ko sila napatawad. Wala naman mangyayare anak kung magagalit ako diba? Hindi naman kita pipilitin." Mahaba pa nitong sambit. Hindi naman ako umimik at patuloy lang sa pagkain habang katabi si Kit na masaganang kumakain. Masarap kasi ang ulam ngayun kaya maganang kumain ang binata. At kami rin naman dahil masarap talaga magluto ang mama ko.. Muli akong na

