Chapter 112 PINUNTAHAN KO SI KIT SA BAHAY niya para kausapin ulet ito. Iniwan ko muna kay Tekla ang tindahan dahil importanteng makausap ko muna si Kit, bago pa lumala. Okey naman kay Tekla at dadagdagan kona lang ang sahod niya mamaya. Pagdating ko sa tapat ng bahay ni Kit ay natuwa naman ako ng matanaw ko ang binata. Mukhang aalis ito dahil patungo siya sa may gate habang nakabihis parin ng pantulog. Mukhang kagigising lang sa itsura niya. Nang mabuksan ns niya ang gate ay saka lang ako nagsalita. " Hi." Bati ko. Nakita ko naman na natigilan ang binata bago nagsalita. " Anong ginagawa mo dito?" Malamig ang tonong tanong niya sakin habang walang emosyon ang mukha niya. Parang gusto kung umiyak dahil ang lamig ng pakikitungo niya. " Pwede na ba tayo mag-usap?" Malumanay ang boses na

