-
Nag suot ako ng jacket at denim shorts para lumabas at mag punta sa 7/11, balak Kong dun nalang bumili ng makakain dahil wala na akong balak mag luto ng sarili.
Tuluyan na akong nakalabas ng pinto at pumunta na sa aking balak. Sa aking pag lalakad tila may isang papel ang nakakuha ng aking atensyon.
Agaran ko itong pinulot at binulsa, at nag patuloy sa pag lalakad. Kalaunan nakarating narin ako sa 7/11 at kumuha ng makakain.
Habang kumakain, sumagi sa isip ko ang pirasong papel na aking napulot kanina lamang. kinuha ko ito sa aking bulsa at binasa.
Isang hindi pamilyar na paaralan ang bumungad sa akin "Academy Obscura" ng aking mabasa ito ng tuluyan. Isang paaralan na nag aalok ng mga magandang aktibidad sa mga nais mag enroll dito.
Pumukaw sa aking paningun ang tila isang baraha na naka disenyo sa border ng papel. Ako ay na inganyo alamin ang paaralan na ito, kaya agad kong kinuha ang aking cellphone para i-type ang ngalan ng paaralan.
Ngunit tila sa aking pag hahanap walang kahit isang lumabas tungkol sa paaralan na ito. Nakakapag taka dahil mukang maganda naman ang school na ito at mukang pang mayaman base narin sa pangalan nito.
isinang walang bahala ko nalang ito at nag ligpit na ng aking pinag kainan at tuluyan ng umuwi.