Maganda ang umaga nang magising si Sophie mula sa tinutuluyan nyang kwarto. Bahagyang tinatangay ng hangin ang kurtina sa bintana niyon. Napangiti sya habang nakatanaw mula sa labas. Kay simple lang ng buhay sa lugar na ito ngunit ramdam nya ang kapanatagan. Nagpapasalamat sya na mayroon syang kaibigan na natuluyan dito at si Shiloah iyon, kung wala ito ay hindi rin nya alam kung saan na sya nakarating nang lisanin nya ang bahay nya kahapon. Napabuntong hininga sya at naupo sa kama. Niyakap nya ang mga tuhod nya habang nananatiling nakatingin mula sa kawalan. Naisip nya si Leonhart, siguradong hinahanap na sya nito ngayon buhat nang maipadala nya dito ang mensahe ng kanyang pamamaalam kahapon. Pinatay nya ang cellphone nya at wala syang balak na buksan pa iyon upang hindi na sya nito ma

