*Café by the ruins* Dumaan muna silang lahat sa isang Café para magkape dahil hindi na sila nakapag-agahan sa bahay ni Zach. Nasa loob na silang lahat at umorder lang sya ng Macchiato at si Leonhart naman ay Cappucino. Giniginaw sya kahit makapal na ang suot nyang damit. "Are you okay?" tanong sa kanya ni Leonhart. Nakahiwalay sila sa table ng mga kasama nila. Tumango sya kay Leonhart bilang sagot sa tanong nito. "Are you sure?" paniniguro pa nito sa kanya. Ilang taon na din ang lumipas buhat ng huli syang nakarating sa Baguio kaya siguro ganito, although alam naman nyang malamig talaga sa lugar na ito. "Yes, okay lang ako," sagot nya. Maya-maya ay lumapit sa kanila si Roz na tila nagngingitngit ang kalooban. "Oh, Roz anong nangyari sayo?" tanong dito ni Leonhart. Lumingon naman si

