"Sophie?" Napalingon si Sophie sa kaibigan nya nang marinig nya ang pagtawag nito sa pangalan nya. Lasing na lasing ito kanina nang ihatid ito ng mga kabanda nito sa bahay nya. Hindi nya akalain na maglalasing ito ngayong araw. Alam nyang birthday ni Wes pero hindi nya inaasahan na malalango sa alak si Leonhart. Ngayon na lang kasi nya ulit ito nakitang lasing na hindi kaya ang sarili. Dati-dati ay nagtitira naman ito ng pamasahe. Nagtataka nga sya eh dahil pangisi-ngisi ang mga kaibigan nito kanina nang ihatid si Leonhart sa kanya. Ang sabi lang ng mga ito ay sa bahay daw nya nagpahatid si Leonhart. Medyo weird ang mga ito kanina pero hinayaan na lang nya at hindi pinansin dahil alalay ng mga ito ang bestfriend nya. "Gising ka na pala," mahinang sambit nya nang lumingon kay Leonhart. T

