Nakahain na si Leonhart sa lamesa nang tumayo si Sophie patungo sa kusina. Gustong-gusto nya ang amoy ng sinangag na niluto nito. Amoy na amoy kasi ang bawang niyon. "Hmm, ang bango," nakangiting sabi nya. Humila ng upuan si Leonhart para sa kanya pagkatapos ay umupo ito sa tabi nya. "Thank you," sabi nya dito. "Thank you ka dyan. May bayad yan," sabi nito sa kanya at ngumisi. Nalukot naman ang kilay nya. "H-ha? Anong bayad?" tanong nya. Mahina itong tumawa at tinuro ang labi. "Kiss," sabi nito at kumindat. Pakiramdam nya ay namula ang pisngi nya. Napatitig sya sa adams apple nito. Ang lakas ng dating niyon para sa kanya. "Hmm. Ninakawan mo na nga ako ng kiss kanina," sabi nya at kumuha ng hotdog. Sinubo nya iyon sa kababata at ngumanga naman si Leonhart. "Gusto ko ikaw mismo yung h

