Nakangiting kinakausap ni Sophie ang kanyang mga pasyente habang inililista ang pangalan ng mga ito sa papel. Mayroon syang pasyente na dalaga kanina at hindi raw ito nakatulog magdamag dahil sa sakit ng ipin nito pero nang tingnan naman nya iyon ay wisdom tooth pala ang sumasakit sa dalaga. Natural lang na kumikirot talaga iyon at wala namang sira ang ipin nito kaya hindi nya pwedeng bunutin. Binigyan na lang nya ito ng gamot para maibsan ang pananakit niyon. Habang abala sya sa paglilista ng mga pangalan ay nagulat sya nang biglang bumukas ang pintuan at may pumasok roon na lalaki. Nang mag-angat sya ng tingin ay nakita nya si Zayn na nakangiti habang ang isang kamay nito ay nakapamulsa. "Hi!" bati nito sa kanya at pagkatapos ay bumaling ng tingin sa mangilan-ngilan nyang pasyente. Par

