Isang buwan ang mabilis na lumipas at bigla na lang nakaramdam si Sophie ng mga pagbabago sa katawan nya. Katulad ng dati ay madalas pa din syang manghina dahil sa sakit nya, ganoon pa din naman sya ngayon, mas lumala lang at halos ayaw na nyang bumabangon sa higaan kung hindi rin lang kailangan. Marami din syang hinahanap na pagkain na bigla-bigla na lang nyang naiisip na gustong kainin. Mayroon na syang kutob sa sarili nya at hindi naman sya tanga para hindi mapaisip sa bagay na iyon. Dalawang linggo na syang delay at alam nya sa sarili nya na noong mga panahong nagtatalik sila ni Leonhart ay hindi naman ito gumagamit ng proteksyon. Ilang beses may nangyari sa kanila kaya hindi imposible kung anoman ang nasa isip nya. Isang sintomas ng babaeng nagbubuntis ang madalas nyang maramdaman ng

